Livelihood Assistance Ipinamahagi ng Batangas Capitol

Revised na HIMNO NG BATANGAN, Ipinarinig sa Kapitolyo
September 12, 2018
309 Estudyante, Nabigyan Ng Educational Assistance
September 12, 2018

September 12, 2018

Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga tulong puhunan sa mga kuwalipikadong indibidwal at kooperatiba mula sa iba’t-ibang distrito ng Batangas na inaasahang makakatulong sa kanilang kabuhayan sa Bulwagang Batangan, Capitol Compound, Batangas City noong ika-7 ng Setyembre 2018.

Sa pangunguna ng Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), na pinangungunahan ni Gng. Celia L. Atienza, katuwang si 5th District Board Member Arthur Blanco, ipinagkaloob ang P500,000 sa Bucal Multi-Purpose Cooperative ng Lungsod ng Batangas at 14 na mga Batangueno mula sa iba’t ibang bayan ng lalawigan kaugnay ng kanilang individual livelihood program.

Ang PCLEDO ay isang tanggapan ng pamahalaang panlalawigan na may layuning maisulong ang kooperatiba upang manguna sa pagpapakilos ng komunidad tungo sa sama-samang pagkilos, pagbabagong panlipunan at pagpapalakas ng ekonomiya.

Samantala, sa patuloy na pagdami ng mga interesadong indibidwal na kapos sa puhunan, inaasahang magiging tuloy-tuloy ang pagtulong ng pamahalaan sa mga Batangueñong mamumuhunan, sang-ayon na rin sa mandato ni Batangas Gov. Dodo Mandanas. ✎ Louise Mangilin, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.