Revised na HIMNO NG BATANGAN, Ipinarinig sa Kapitolyo

Notice of Vacant Position
September 10, 2018
Livelihood Assistance Ipinamahagi ng Batangas Capitol
September 12, 2018

September 12, 2018

Isa ang pag-awit ng Himno ng Batangan sa sumasagisag ng pagkakakilanlan ng Lalawigan ng Batangas. Kasabay sa pagpupugay sa bandila ng Pilipinas, na pinangunahan ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office, noong ika-10 ng Setyembre 2018, ipinamalas sa harapan ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang revised version ng nasabing Himno.

Ang binagong bersyon ng Batangan Hymn ay binuo ni G. Oscar Manalo, Sr. Pumanaw na si G. Manalo, subalit nagawa naman ng PTCAO na humingi ng pahintulot mula sa kanya upang magamit ang lirikong likha nito.

Hangad na gawing mas kanais-nais at updated ang Himno ng Batangan. Kung kaya ang PTCAO ay humiling sa Music and Literature Sectors ng Batangas Culture and Arts Council (BCAC) na makalikha ng lyrics na nabuo sa pagtutulungan at pagsisikap nina Ms. Cecile Tusing, Mr. Reynaldo De Mesa, Mr. Alfred Solis III at Ms. Cherry Ann Datinguinoo.

Inanyayahan naman ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang University of Batangas Chorale, sa ilalim ng kanilang Choir Master na si Mr. Eric Kalaw, upang kantahin ng may pagmamalaki at kagalakan ang revised version ng Batangan Hymn, na unang narinig sa flag ceremony noong ika-10 ng Setyembre. ✎ Louise Mangilin, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
3

Comments are closed.