August 16, 2023
Pormal na nakiisa at ipiniresenta ni Sangguniang Kabataan(SK) Federation President Board Member Maria Loise Vale ang mga Batangueño Little Youth Officials sa isinagawang ika-33 na regular session ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas sa Apolinario Mabini Legislative Building, Capitol Compound, Batangas City noong ika-14 ng Agosto 2023.
Kaugnay sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, ang mga Little Youth Officials, na kumakatawan sa mga posisyon ng gobernador, bise gobernador at mga bokal ng lahat ng distrito ng lalawigan, ay may termino simula ika-14 hanggang ika-18 ng Agosto 2023.
Nahirang bilang Little Governor si Justin Isaac Aguilera at Little Vice Governor naman si Kayelle Prince Espino.
Samantala naging mga Little Board Members sina Jhomar Mendoza at Mart Guieseppe De Sagun para sa 1st District; Daniel David at Ericka Masangkay para sa 2nd District; Kurt Neo Sambile at Mary Elise Rosales para sa 3rd District; Alexandra Talabis at Dan Erick Paña para sa 4th District; Julianna Jianne Briones at Iya Arellano para sa 5th District; at John Daryl Rhey Casiple at Francis Xavier Alcazar para sa 6th District.
Napili namang Little Philippine Councilors League Batangas President si Rhyza Rose Casilao, Little Association of Barangay Captains President si Jysen Liel Vale, at Little SK President si Nico Erin Espino.
Isinagawa ang naturang session, sa pangunguna ni Acting Vice Governor at 5th District Board Member Bart Blanco kung saan tuloy-tuloy na tinalakay at inaksyunan ang mga pangangailangan ng lalawigan.
Kabilang ang pagkakaroon ng mga little government officials sa mga gawain tuwing Linggo ng Kabataan upang mabuksan ang mata ng mga ito sa mga tungkulin at responsibilidad ng mga elected officials.
Batangas Capitol PIO / Photos–BM Loise Vale