Lakbay Sining “Bayan mo, Ilakbay mo”, isasagawa sa ikatlong taon

Total Taxable Assessed Value ng Lalawigan ng Batangas, mas tumaas pa
February 18, 2019
Mga Kabataang Batangueño na wagi sa Writing, Science at Math tilts, kinilala
February 19, 2019

February 19, 2019

Hinihikayat ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga Batangueño artists na makilahok sa ikatlong edisyon ng Lakbay Sining, na layong ipagmalaki ang malikhaing talento ng mga lokal na visual artists na kabilang sa Visual Art Sector ng Batangas Culture and Arts Council (BCAC).

Ang eksibisyon, na may temang “Bayan mo, Ilakbay mo”, ay opisyal na bubuksan sa publiko sa darating na ika-4 hanggang ika-22 ng Marso 2019, tampok ang mga likhang sining ng mga estudyante, at amateur and professional visual artists sa SM City Batangas (March 4-8) at mga munisipalidad ng Ibaan (March 11-15) at Padre Garcia (March 18-22).

Simula noong 2017, ang Art Sector ng BCAC, sa pakikipagtulungan sa Grupo Sining Batangueño (GSB), ay nagsasagawa ng isang “traveling exhibit,” na tinaguriang Lakbay Sining, para patuloy na maitaas ang kamalayan at pagpapahalaga ng mga Batangueño sa sining.

Ang mga artists na makikilahok at kakatawan sa kani-kanilang mga bayang pinagmulan ay magtatagisan ng galing sa paglikha ng mga makukulay na visual artworks na magtatampok ng karakter, kasaysayan, kultura, landscape, crafts, at mga lokal na mamamayan ng kanilang bayan.

Ang Lakbay Sining 2019 ay bukas sa lahat ng Batangueño artists at mga estudyante. Ang mga entries ay kinakailangang maipasa sa PTCAO sa Capitol Compound, Batangas City mula Pebrero 26 – 28, 2019, alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Makakatanggap ng PhP 35,000 cash, Certificate at trophy ang 1st Placer; PhP 25,000, Certificate at trophy ang 2nd Placer; at, PhP 15,000, Certificate at trophy ang 3rd Placer.

Pagsapit ng buwan ng Hulyo, iikot naman ang traveling exhibition sa mga bayan ng Calatagan (July 1-5), Lian (July 8-12), at Nasugbu (July 15-19). ? Marinela Jade Maneja — Batangas Capitol PIO, Photo: PTCAO FB Page

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.