Mga Kabataang Batangueño na wagi sa Writing, Science at Math tilts, kinilala

Lakbay Sining “Bayan mo, Ilakbay mo”, isasagawa sa ikatlong taon
February 19, 2019
Diwang Batangueño Storytelling, isasagawa
February 20, 2019

February 19, 2019

Kaugnay ng patuloy na pagpapamalas ng kagalingan ng mga kabataang Batangueño sa iba’t ibang larangan, binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, ang ilang mga natatanging mag-aaral ng iba’t ibang paaralan sa lalawigan noong ika-18 ng Pebrero taong kasalukuyan sa Provincial Auditorium, Capitol Compounds, Batangas City.

Tumanggap ng Sertipiko ng Pagkilala sina Arielle Victoria Encarnacion ng Our Lady of Caysasay Academy sa Bayan ng Taal, na nagwagi ng Gold Award sa Southeast Asian Mathematical Olympiad Extended Round; at si Floren Ivan Ramos ng Pinagtung-ulan Integrated National High School sa Lungsod ng Lipa, na nanalo ng 2nd place sa Sci-Chess competition sa 16th National Science Quest sa Baguio City.

Pinarangalan din ang mga Batangueño students na lumahok sa 2019 National Schools Press Conference, na sinalihan ng 18 rehiyon, sa Lingayen, Pangasinan noong January 28 hanggang February 1, 2019.

Kabilang sa mga nagwagi ang mga elementary students na sina Ireese Miguel Zedric Mendoza na nagwagi sa Copy Reading and (Filipino) Headline Writing, at Kayelle Clyde Lavajeros para sa Science and Health (English) Writing.

Sa High School division naman, nagpakita ng galing sina Isabela Rivera na nagwagi bilang Best Anchor – Scriptwriting & Radio Broadcasting (Filipino) at si Jake Vincent Robles na nanalo bilang Best News Presenter – Scriptwriting & Radio Broadcasting (Filipino).

Samantala, nakuha ng Nasugbu West Central School ang titulong Best in Layout and Page Design at Best School Paper para sa elementary department. Hindi naman nagpahuli ang Balayan East Central School na nakakuha ng Best Sports Page at Best Science and Health Page.

Nasungkit naman ng Natipuan Elementary School ng Nasugbu ang Best in Layout and Page Design. Humakot naman ng awards ang Buhay na Sapa National High School ng bayan ng San Juan, nang maibulsa ang Best in Feature Page, Best in Layout and Page Design para sa English at Filipino categories. Ang diyaryo naman ng Balayan National High School ang nahirang na may Best Sports Page sa English.

Ang paggawad ng mga sertipiko ay pinangunahan nina Acting Vice Governor at Senior Board Member Wheng Sombrano-Africa, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, at Gng. Merlita Salagubang-Pasatiempo ng Provincial School Board Scholarship Division. – JHAY ¬JHAY B. PASCUA/Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.