Karapatan ng PWDs, Itinataguyod sa Lalawigan nga Batangas
March 27, 2017
Mga LGU sa palibot ng Verde Island Passage, Nagkaisa para sa Wastong Pangangalaga Nito
March 29, 2017

March 27, 2017


Tugunan ang gutom sa bawat Batangueñong mag-aaral ang pangunahing adhikain ng Kusina ng Kalinga Feeding Program.

Ito ang naging pangunahing paksa sa pagpupulong na ginanap sa Taysan District Cultural Hall, Taysan, Batangas noong ika-27 ng Marso 2017. Isang proyekto ng Gawad Kalinga, sa pakikipagtulungan sa Department of Education, Batangas Provincial Government, Local Government Units, Republic Cement at Parents-Teachers Association officers na naglalayong tumugon sa mga isyu ng gutom, tamang pagkain at malnutrisyon ng mga batang Batangueño.

Naging higit na makabuluhan ang pagpupulong na ito sa mga magiging pilot schools ng Kusina ng Kalinga sa bayan ng Taysan, kabilang ang Taysan Central School, Pag-Asa Elementary School, Bilogo Elementary School at Mapulo Elementary School.

Tinatayang 750 na mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 3 ang madudulutan ng masustansiyang pagkain sa loob ng 220 araw. Kaakibat nito, magkakaroon din ng mga monitoring o health check sa mga mag-aaral na sasailalim sa programang ito.

Kasama sa pagpupulong at pakikipagkasundo sina Taysan Mayor Grande P. Gutierrez; Patrick Doromal ng Gawad Kalinga; Provincial School Board Head Merly Pasatiempo, na naging kinatawan ni Gov. Dodo Mandanas; G. Paul Victor Aquino, Director for Public Affairs and Communication ng Republic Cement; DepEd officials; at PTA representatives.

Samantala, nagsilbi naming isang malaking hamon sa project proponents kung papaano pa nila ito mapapalawig sa ibang lugar sa lalawigan. Jhay Jhay B. Pascua -PIO Batangas Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.