Hazard at Risk Assessment ng mga Opisina ng Batangas Provincial Government Sinimulan Na

Development and Physical Framework Plan ng Batangas, aprubado na ng DHSUD
January 18, 2024
16-week Rice training ng Kapitolyo sa Rosario, ipinagpatuloy
January 19, 2024

January 18, 2024

Kasalukuyang isinasagawa na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang Hazard Identification, Risk Analysis and Control (HIRAC) Assessment sa mga tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa Lungsod ng Batangas, kabilang ang (mula kaliwa) Provincial Assistance for Community Development Office, Office of the Provincial Governor, at Provincial Engineering Office. Photos: PDRRMO/ Capitol Safety Officers Team

Isinasagawa na ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang Hazard Identification, Risk Analysis and Control (HIRAC) Assessment sa lahat ng tanggapan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa Lungsod ng Batangas.

Nagsimula ang HIRAC Assessment noong ika-17 ng Enero 2024 at inaasahang matatapos sa ika-8 ng Pebrero 2024.

Sa superbisyon ng PDRRMO Safety Team, kabilang sa pagsusuri ang pagkilala, pagtatasa at mga obserbasyon ng mga pangunahing hazards o panganib sa loob ng work environment, na nauna nang naitala ng mga safety officers ng Kapitolyo.

Sa pamamagitan ng magiging resulta ng HIRAC, magkaroon at makakalikom ng angkop na mga datos upang maisagawa ang isang komprehensibong plano para sa “occupational safety and health” ng mga kawani ng pamahalaang panlalawigan, nang sa gayon ay makamtan ang isang ligtas at maayos na mga kondisyon para sa pagtatrabaho sa Kapitolyo at iba pang mga tanggapan nito sa Lungsod ng Batangas at iba pang mga bayan sa lalawigan.

Batangas PIO Capitol – Edwin Zabarte

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.