16-week Rice training ng Kapitolyo sa Rosario, ipinagpatuloy

Hazard at Risk Assessment ng mga Opisina ng Batangas Provincial Government Sinimulan Na
January 18, 2024
Project Procurement Management Plan (2024)
January 19, 2024

January 19, 2023

Ipinagpatuloy ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), ang Farmers Field School ang Good Agricultural Practices (GAP) for Rice sa Barangay Timbugan, Rosario, Batangas kahapon, January 18,2024.

Ayon kay Melinda T. Mendoza, GAP Resource Person ng OPAg, layon ng labing-anim na linggong pagsasanay na maibahagi sa mga magsasaka ng Barangay Itlugan, Colongan at Timbugan ng nasabing bayan ang mga napapanahong paraan ng pagsasaka ng Palay, alinsunod sa adhikain ni Governor Hermilando I. Mandanas na higit pang mapataas ang ani at maiangat ang kabuhayan ng mga magsasaka sa lalawigan.

Nauna nang sinimulan ang nasabing pagsasanay noong Oktubre noong kabilang taon, subalit napatigil dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections noong katapusan ng nabanggit na buwan.

Inaasahang makukumpleto ang training sa Pebrero 2024, at ipagpapatuloy naman sa iba pang mga bayan at lungsod ng Batangas.

Batangas PIO Capitol – Jun Magnaye / Photos: OPAg

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.