Governor DoDo, Batangas Capitol nakiisa sa pagdiriwang ng 2019 World Ocean Week sa Xiamen, China

2019 Cooperative Month, ipinagdiwang sa Batangas Capitol
November 6, 2019
Health providers sa Batangas Province, nagtipon sa Kapitolyo
November 7, 2019

November 6, 2019

Naging kaisa ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor Dodo Mandanas, sa pagdiriwang ng 2019 World Ocean Week sa Xiamen, Fujian Province, China noong ika-1 hanggang ika-7 ng Nobyembre 2019.

Inilunsad noong taong 2006, ang World Ocean Week sa Xiamen ay isang mahalagang pandaigdigang marine exchange platform, na may layuning maisulong ang pagpapaunlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng pangangalaga sa mga karagatan at pagsasagawa ng mga programang may kinalaman sa marine industry.

Sa gabay ng temang “Blue Partnership for a Maritime Community with a Shared Future,” sentro ng selebrasyon ngayong taon ang paglulunsad ng forum at conferences, matchmaking symposiums at exhibitions, at ang marine cultural carnival.

Aktibong nakilahok si Governor Mandanas, kasama ang mga kinatawan ng Provincial Government – Environment and Natural Resources Office, sa opening ceremony, kung saan nagkaroon ito ng pagkakataong maibahagi ang pakikiisa ng Lalawigan ng Batangas sa pagprotekta sa biodiversity hotspots sa Pilipinas.

Kaugnay nito, ipinakita ng gobernador ang patuloy na ginagawang aksyon ng pamahalaang panlalawigan sa management at development ng mga coastal resources sa ating probinsya. Patunay dito ang mga natanggap na pagkilala para sa mahusay na pagpapanatili ng kaayusan o pagkakaroon ng exemplary performance pagdating sa Marine Protected Areas at Bantay Dagat Networks.

Ipinagmalaki rin ni Governor Mandanas na kilala ang Lalawigan ng Batangas sa pagkakaroon ng masaganang likas na yaman, kagaya ng napakaraming marine-based resources na nakakatulong sa pag-unlad at paglago, hindi lamang ng turismo, kundi pati na rin ng pamumuhay ng mga Batangueño.

Bahagi rin ng kaniyang pagdalo sa pagtitipon ang pagiging panelist sa dalawang araw na forum ng Partnerships in Environmental Management for the Seas of East Asia (PEMSEA) Network of Local Governments o PNLG.

Ito ay naglalayong mapabilis ang pagsasakatuparan ng mga sustainable development goals na magtataguyod ng tuloy-tuloy na pagpapaunlad ng mga karagatan sa Silangang Asya.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO / Photo : PG-ENRO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.