2019 Cooperative Month, ipinagdiwang sa Batangas Capitol

Safety Officers ng Batangas Capitol, sumailalim sa basic life support and first aid training
November 4, 2019
Governor DoDo, Batangas Capitol nakiisa sa pagdiriwang ng 2019 World Ocean Week sa Xiamen, China
November 6, 2019

November 6, 2019

Nakiisa at nakisaya sa culminating activity ng Cooperative Month Celebration 2019, sa pangunguna ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO), ang nasa 1,500 na mga miyembro, mula sa higit 350 kooperatiba buhat sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Batangas sa Provincial Auditorium, Capitol Site, Batangas City noong ika-6 ng Nobyembre 2019.

Naging tampok na gawain sa pagtitipon ang paglulunsad ng “Batangas: 1 Strong Cooperative Movement” para sa patuloy na pagsulong ng mga kooperatiba bilang katuwang ng mga miyembro nito sa pagbuo ng matatag na mga komunidad. Ang culminating activity ay naglalayong mas higit na mabuo ang Kilusang Kooperatiba at pagtibayin ang mga nakatakdang pangako tungo sa isang direksyon na “One Rich Cooperatives”.

Iginawad din dito ang Plaques of Recognition at cash prizes ng mga nagwagi sa KOOP QUIZ 11th Blast na ginanap noong ika-18 ng Oktubre 2019 sa Provincial Cooperative Development Center, kabilang sina champion Andrea Rizelle E. Ng ng Batangas City, 2nd placer Von Matthew A. Pangilinan ng Munispalidad ng Laurel, na nakuha ang 3rd place sa Regional KoopQuiz noong ika-28 ng Oktubre sa Sta. Rosa, Laguna, at 3rd Placer Josel Mark B. Lopez ng City of Sto. Tomas.

Para sa taong 2019, Bilang tulong at suporta sa mga kooperatibang Batangueño, nakalaanan ang P1 Milyon para sa regular loan assistance upang magbibigay tulong sa pagpapatakbo ng kanilang mga negosyo. Binigyan kabuoang P200 thousand ang 10 kooperatiba na may pambihirang katangian kung saan sila ay nabigyan ng parangal ng iba’t ibang programa tulad ng Villar Sipag Awardee, Gawad Saka Awards, DOLE productivity Olympics.

Binigyang pagkilala rin sa pagtitipon ang mga kooperatiba sa lalawigan na nagpamalas ng galing sa kani-kanilang larangan, kabilang ang Padre Garcia Development Cooperative na Villar Sipag Awardee o katuwang sa paglaban sa kahirapan, Soro Soro Multi-Purpose and Allied Services Cooperative ng Batangas City na Gawad Saka Awardee dahil sa mga nakamit sa larangan ng agrikultura at pangisdaan, at San Isidro Multi-Purpose Cooperative ng Batangas City na Dole Productivity winner para sa micro, small and medium enterprise.

Tinanghal namang Outstanding Local Cooperative Development Officer si Ms. Marciana Dagus ng Lungsod ng Batangas, Outstanding Cooperative Development Council ang Nasugbu Municipal Cooperative Development Council, at Outstanding Cooperative Manager si Ms. Aida Alano ng Tilambo MPC ng Bayan ng Taysan.

Nakiisa sa taunang selebrasyon ng mga kooperatiba sina Vice Governor Mark Leviste; 5th District Senior Board Member Claudette Ambida, Sangguniang Panlalawigan Committee on Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Chairperson; AGAP Partylist Congressman Rico Geron; Cooperative Development Authority Administrator Abad Santos; at, Department of Trade and Industry CALABARZON Regional Director Marilou Quinco-Toledo.

Bryan Mangilin – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.