Gov. DoDo, Nakiisa sa Pagpupulong ng WE MOVE

Invitation to Submit Quotation – Shopping (February 9, 2022)
February 9, 2022
COVID-19 Vaccination para sa mga Batang Edad 5-11 Taong-gulang, Nagsimula na sa Lalawigan ng Batangas
February 9, 2022

February 9, 2022

Sa layunin na mabigyang katuparan ang hangarin na magkaroon ng pantay na pag-abot sa mga serbisyong panlipunan, edukasyon, pangangalaga sa kalusugan, at oportunidad sa trabaho ng kababaihan, higit lalo sa mga nabibilang sa marginalized sector, idinaos ang isang assembly meeting ng WE MOVE o Women Enterprise Mobilizing and Organizing for Victory and Empowerment noong ika-7 ng Pebrero 2022 sa Bulwagang Batangan, Capitol Building sa Lungsod ng Batangas.

Kaugnay nito, aktibong nakiisa sa pagpupulong si Governor DoDo Mandanas, kasama sina 5th District Board Member Arthur Blanco, Batangas City Councilor Aileen Montalbo, at AnaKalusugan party-list nominee, Atty. Gina Reyes-Mandanas.

Sa naging mensahe ni Governor Mandanas, ipinaabot niya sa naturang samahan ang ginagawang tuloy-tuloy na pagsisikap ng pamahalaang panlalawigan na mapalawig ang mga serbisyong hatid nito sa bawat Batangueño.

Isa na rito ang pagtutok ngayon ng Kapitolyo sa pagpapatupad ng Universal Health Care Law, na inaasahang magbibigay ng mga benepisyong pangkalusugan kagaya ng libreng pagamot at pagpapataas ng antas ng mga health facilities sa probinsya.

“Damang-dama natin ang pangangailan na tumulong sa kapwa…at ang unang tulong [na kailangan] ay [pang-] kalusugan,” pagbibigay-diin ng gobernador na lubos ang paghanga sa pagbibigay ng halaga ng WE MOVE sa pagtutulungan upang maabot ng mga serbisyo ang mga pamayanang nasa laylayan ng lipunan.

Ayon sa gobernador, bilang ang WE MOVE ay binubuo ng kababaihang mga miyemrbo, tunay aniya na sumisimbilo rin ang samahan sa pagiging masisipag ng mga ina ng tahanan at talagang may puso para sa mga anak.

Ang WE MOVE ay isang non-profit at non-government na samahan na nakatuon sa pagtataguyod ng panlipunan, pang-edukasyon, at pangkabuhayan na pag-unlad ng kakabaihan sa Lalawigan ng Batangas.

Isinusulong din ng grupo ang pagtanggal ng lahat ng anyo ng diskriminasyon laban sa kababaihan at pagbibigay-lakas at daan upang magkaroon ng pakikilahok at maging bahagi ang mga ito ng proseso ng pag-unlad sa bawat komunidad.

Mark Jonathan M. Macaraig/Photo: MacVen Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.