Gov. Dodo Mandanas, Nakiisa sa Isinagawang Sto. Niño ng Batangan Fluvial Procession

Bauangeña na Namayagpag sa 39th Sea Games, Binigyang Pagkilala ni Gov. Dodo Mandanas
January 8, 2018
District Hospital Chiefs, Gov. Dodo Nagpulong para Lalong Mapabuti ang Medical Services
January 8, 2018

January 8, 2018

Kabilang si Gov. Dodo Mandanas sa libo-libong Batangueño na nakiisa sa isinagawang Fluvial Procession ng Sto. Niño ng Batangan na idinaos sa Calumpang River, Pallocan West, Batangas City noong ika-5 ng Enero 2018.

Minarapat ni Gov. Mandanas na tumungo sa ibaba ng dike ng Calumpang upang masigurado na makakahawak siya sa patron ng Batangas na  pinasan sa balikat ni 5th District Congressman Marvey Mariño pagkababa ng bangka. Sumama rin si 5th District Board Member Claudette Ambida-Alday sa isinagawang fluvial procession.

Naging kapanapanabik at kaabang-abang ang nasabing procession sa ilog ng Calumpang para sa mga debotong Batangueño at mga turistang dumayo pa ng Batangas City upang saksihan ang pagdaan ng Poong Sto. Niño at mga makukulay na bangka na kasama sa prusisyon. Sinalubong naman ng mga magagandang fireworks display ang Sto. Niño ng Batangan nang malapit na ito sa tulay ng Calumpang, habang tumutugtog ang mga grupo ng mini-bands ng iba’t ibang paaralan ng lungsod.

Jhay Jhay B. Pascua – PIO Capitol
Photos by: Karl Ambida & Kae Liboon – PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.