District Hospital Chiefs, Gov. Dodo Nagpulong para Lalong Mapabuti ang Medical Services

Gov. Dodo Mandanas, Nakiisa sa Isinagawang Sto. Niño ng Batangan Fluvial Procession
January 8, 2018
Libreng Operasyon para sa mga Bingot at Ngongo, Gaganapin sa Lipa District Hospital
January 9, 2018

Working towards a healthier Batangas in 2018. Nakipagpulong si Gov. Dodo Mandanas sa mga chiefs of hospitals ng mga district at provincial hospitals sa Lalawigan ng Batangas noong ika-4 ng Enero 2018 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

January 8, 2018

Working towards a healthier Batangas in 2018. Nakipagpulong si Gov. Dodo Mandanas sa mga chiefs of hospitals ng mga district at provincial hospitals sa Lalawigan ng Batangas noong ika-4 ng Enero 2018 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City. Jenny Asilo Aguilera / Photo: Karl Ambida – Batangas Capitol PIO

Upang mas lalo pang mapagbuti at mapalawig ang mga serbisyo publiko patungkol sa kalusugan ngayong 2018, nakipagpulong si Gov. Dodo Mandanas sa mga chiefs of hospitals ng mga district at provincial hospitals sa Lalawigan ng Batangas noong ika-4 ng Enero 2018 sa People’s Mansion, Capitol Compound, Batangas City.

Bahagi ng agenda sa pagpupulong, kasama sina Chief of Staff Abel Bejasa, Provincial Legal Officer Cesar Castor at Provincial Health Office (PHO) Department Head Dr. Rosvilinda Ozaeta, ang paglalaan ng karagdagang budget para sa health services na nakatuon sa pagpaparami ng bilang ng mga duktor, nurses at iba pang medical workers; at pagpapataas ng suweldo ng mga nasabing medical practitioners.

Hangad na matugunan ang kakulangan ng mga duktor at nurses, na isa sa mga pangunahing problema ng mga government hospitals sa kasalukuyan, napagkasunduan din na makikipag-ugnayan ang pamahalaang panlalawigan sa Association of Philippine Medical Colleges Foundation, Inc. upang mabigyan ng accreditation ang mga district at provincial hospitals para sa Internship Training Program ng mga bagong nakapagtapos ng kursong Doctor of Medicine.  Sa pamamagitan nito, madadagdagan ang bilang ng mga duktor sa mga ospital ng lalawigan.  Makikipag-ugnayan din sa mga kinauukulan ang PHO para mapataas ang bilang ng mga nurses sa pamamagitan ng internship program.

Dagdag pa ni Gov. Mandanas na lalapit siya sa pamahalaang nasyunal upang malaanan ng karagdagang pondo ang Lalawigan ng Batangas na maaaring ibuhos sa mga naka-programang medical projects.

Kabilang sa mga dumalo sa pagpupulong ang 8 sa mga Hospital Chiefs ng 12 ospital sa lalawigan na nasa ilalim ng pamahalaang panlalawigan na sina Dr. Antonio Hernandez ng Don Manuel Lopez Memorial District Hospital sa Balayan; Dr. Luisito Briones ng Mahal na Virgen Maria Sto. Rosario District Hospital sa Rosario; Dr. Reynaldo Ozaeta ng San Jose Distric Hospital; Dr. Priscilla Sulit ng Lobo Municipal Hospital;  Dr. Maria Maureen Villanueva ng Laurel Municipal Hospital;  Dr. Oscar Bejasa ng Apacible Memorial District Hospital sa Nasugbu;  Dr. Danilo Aguilera ng Batangas Provincial Hospital sa Lemery;  at Dr. Venus de Grano ng Laurel District Hospital sa Tanauan City.

Naging bahagi rin ng talakayan ang mga Batangas PHO officials na sina Dr. Myron Duque, Provincial Health Officer for Hospital Services; Dr. Mercedita Salud, Provincial Health Officer for Field Health Services; Dr. Josephine Gutierrez, Medical Specialist IV; at Dr. Rosalie Masangkay, Medical Officer IV.   Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.