Gov. Dodo: COA Disallowance sa Pagpapagawa ng Simbahang Nasira ng Lindol, ‘Di Tama

Batangueño Medalists ng 12TH ASEAN Skills Competition 2018, kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
September 26, 2018
Batangueños’ Assistance and Social Involvement during Calamities, Isinulong
September 26, 2018

September 26, 2018

Sinang-ayunan ni Batangas Gov. Dodo Mandanas ang naging pahayag kamakailan ni Pangulong Rodrigo Duterte na maraming limitasyon ang Commission on Audit (COA) pagdating sa delivery ng humanitarian assistance sa mga panahon ng krisis na nagiging sagabal sa pagtugon ng pamahalaan sa mga pangangailangan ng taumbayan.

Nabanggit ng Batangas governor ang hindi pagkakaintindihan ng Malacanang at COA nang kanyang pasinungalinagn ang natanggap na Notice of Disallowance ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas noong Setyembre 10, 2018.

Ang nasabing notice ay patungkol sa tulong pinansiyal at construction materials na ibinigay ng Kapitolyo para sa dagliang pagsasaayos ng Basilica San Martin de Tours (Taal), Minor Basilica ng Immaculate Conception (Batangas City) at Immaculate Conception Parish Church (Bauan), mga simbahang higit isang daang taon nang nakatayo at mga National Historical Landmarks, matapos ang earthquake swarms na tumama sa lalawigan noong Abril 2017.

Paliwanag ni Gov. Mandanas, ang mga simbahan, bukod sa pagiging sentro ng pananampalataya, ay kabilang sa mga lugar kung saan nakikisilong ang mga tao sa panahon ng bagyo at iba pang sakuna, kung kaya’t marapat lamang na ipagawa agad ang mga ito.

Ang nasabing paggagawad ng financial assistance ay isang legal at praktikal na pagkilos upang makatulong sa mga kababayan at sa mga institusyong kabalikat ng lokal na pamahalaan, kagaya ng simbahan, sa harap ng kalamidad na naganap noong panahong iyon. – Vince Altar – Batangas Capitol PIO Photo: Eric Arellano

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.