Batangueño Medalists ng 12TH ASEAN Skills Competition 2018, kinilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Batangas Provincial Hospitals As Economic Enterprise
September 26, 2018
Gov. Dodo: COA Disallowance sa Pagpapagawa ng Simbahang Nasira ng Lindol, ‘Di Tama
September 26, 2018

World-class Batangueños. Binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, sina Ryan Mejia (kaliwa) at Mark Dave Perez (2nd mula kaliwa) ng Lyceum of the Philippines University – Batangas na nagkamit ng Medallion of Excellence sa Restaurant Service Category sa 12th ASEAN Skills Competition na ginanap sa Bangkok, Thailand noong August 26 – September 4, 2018. Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Kapwa nagmula sa Lyceum of the Philippines University – Batangas sina Ryan Mejia at Mark Dave Perez na binigyang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas matapos magkamit ng Medallion of Excellence para sa Restaurant Service Category sa 12th ASEAN Skills Competition na ginanap sa Bangkok, Thailand noong August 26 – September 4, 2018.

Ang mga Batangueño representatives ng Pilipinas ay naging katapat ng labing-anim na competitors mula sa mga bansa ng South East Asia.

Ang nasabing patimpalak ay isa sa mga pinakamalaking vocational skills competition sa buong Timog-Silangang Asya kung saan mayroon itong dalawampu’t anim na professional skills categories na naglalayong makamit ang international standards. Ang kompetisyong ito ay isa ring malaking oportunidad sa mga kalahok upang malinang ang kanilang mga talento’t kakayahan sa mga napili nilang karera.

Kasama ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Batangas, ginawaran ng sertipiko ng pagkilala sina Ryan at Mark Dave ni Gov. Dodo Mandanas kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas.

Samantala, mas malaking oportunidad naman ang naghihintay para kina Mejia at Perez dahil naging kuwalipikado silang maging kalahok sa World Skills Competition 2019 na gaganapin sa Kazan, Russia. – JJBPascua/Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.