Gender & Dev’t. Capacity Building, Isinagawa

Tanggapan ng Panlalawigang Impormasyon, Naglahad ng Accomplishments
August 13, 2018
Batangueño Math Wizards, Binigyang Parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
August 16, 2018

August 16, 2018

Isinagawa ang 2 araw na Capacity Building para sa mga miyembro ng Provincial Committee on Gender and Development (PCGAD) na ginanap sa Batangas Country Club, Bolbok, Batangas City noong ika-14 hanggang ika-15 ng Agosto, 2018.

Ito ay pinangunahan ng PCGAD Secretariat, ang Tanggapan ng Panlalawigang Kagalingang Panlipunan, Paglilingkod at Pagpapaunlad na pinamumunuan ni Ms. Jocelyn R. Montalbo.

Isa sa layunin ng nasabing seminar na masuri ang mga programa at proyekto ng pamahalaang panlalawigan gamit ang iba’t ibang tools upang matukoy ang kanilang gender responsiveness, matukoy ang mga isyu sa pamamagitan ng gender analysis at maituro sa mga dumalo ang GAD Checklist upang magamit nila ito sa Project Management and Implementation at Project Monitoring at Evaluation.

Naging resource person sa seminar si Ms. Maria Theresa H. Arellano-Hernandez, Associate Professor II at Assistant Director ng GAD sa Batangas State University – Main Campus. Tinalakay niya ang GAD Mainstreaming, GAD Analysis at ang Project Implementation & Management, Monitoring & Evaluation (PIMME).

Inaasahang ang mga natutunan ng mga lumahok ay magagamit nila upang magkaroon ng epektibo at mahusay na implementasyon ng GAD Plan at Programs, Projects and Activities (PPA), ang wastong paggamit ng GAD Budget, coordinated GAD efforts ng lahat ng opisina at upang mapatibay ang pagtutulungan ng lahat ng miyembro ng GAD Focal Point System. Elfie Ilustre – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.