Batangueño Math Wizards, Binigyang Parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas

Gender & Dev’t. Capacity Building, Isinagawa
August 16, 2018
Ginoong CALABARZON 2018 2nd Runner Up, Binigyang Pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas
August 16, 2018

August 16, 2018

“Bagama’t mga paslit ay huwag mamaliitin ang kakayahan ng mga batang Batangueño sa larangan ng matematika.” Ito ang naging pahayag ni Gov. Dodo Mandanas sa kanyang mensahe sa paggagawad ng Certificates of Recognition noong ika-13 ng Agosto 2018 sa Provincial Auditorium, Capitol Compounds, Batangas City para sa mga kabataang Batangueño na namayagpag sa iba’t ibang international academic contests.

Kasama ang mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas, ginawaran ni Gov. Mandanas ang mga mag-aaral na nakakuha ng tanso, pilak at gintong medalya sa naganap na 2018 World Mathematics International sa South Korea noong ika-16 ng Hunyo 2018 na sina Christian David Corto, Adrian Joren Lantin, Maru Adrian Robles, Jom Riley Kaw, Gadriel Simone Dalangin, Julianne Ycel Kaw at Gerald Elmer Ilagan.

Nag-uwi din ng tansong medalya mula sa bansang Singapore sina Jan Feliza Siscar at Adrian Joren Lantin para sa Singapore International Mathematics Olympiad (SIMOC), kasama sina Gerard Elmer Ilagan at Jomer Wilson Lee. Samantalang si Keisha Zheanna Bacay ay nakapaguwi ng tansong medalya buhat sa International Junior Math Olympiad na ginanap naman sa bansang Thailand. – JHAY ¬JHAY B. PASCUA – PIO CAPITOL Photo: ERIC ARELLANO

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.