GAD AGENDA 2022-2027 Workshop ng Kapitolyo Ginanap

Little Officials Tampok sa Ika-16 na Session sa Sangguniang Panlalawigan
October 25, 2022
SUPPLEMENTAL BULLETIN No. 2 – Cancellation of TOR (November 4, 2022)
October 27, 2022

October 25, 2022

Sumailalim sa dalawang araw na Orientation-Workshop ang mga kasapi ng Provincial Committee on Gender and Development (PCGAD) ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para sa paghahanda sa pagbalangkas ng 2023-2028 Gender and Development Agenda (GAD Agenda) ng lalawigan noong ika-20 hanggang 21 ng Oktubre 2022 sa Tanville Garden Resort sa Bayan ng Rosario.

23 na mga empleyado mula sa iba’t ibang departamento ng pamahalaang panlalawigan, kabilang ang mga kinatawan ng Department of Interior and Local Government (DILG) – Batangas Province, Philippine National Police (PNP) – Batangas at Philippine Information Authority (PIA) ang dumalo sa pagsasanay, na pinangunahan ng Provincial Social Welfare and Development Office- Gender and Development Unit.

Naging tagapagsanay naman sa aktibidad sina Ms. Lovely Mores, Chief Economic Development Specialist – Development Research Division, at Ms. Aprille Suyat, Economic Development Specialist II – Policy and Formulation & Planning Division, ng National Economic and Development Authority IV-A (NEDA IV-A).

Ang pagbubuo ng GAD Agenda ay bilang tugon sa Memorandum Circular 2018-04 na inilabas ng Philippine Commission on Women, na naglalayon na maging isang Gender-Sensitive at Gender-Responsive ang Pilipinas lalo na pagdating sa kapakanan ng mga kababaihan.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.