Mga Kooperatiba sa Lalawigan Sumailalim sa Credit Information System Training

Forum ng 3 Batangas Provincial Councils Isinagawa
May 25, 2017
Kusina ng Kalinga Inilunsad, “Hunger Ends, Where Caring Begins”
June 1, 2017

June 1, 2017

Bilang pag-sunod sa Republic Act 9510 o ang Credit Information Act, isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa superbisyon ng Provincial Cooperative Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) ang Hands –on and Tutorial Seminar on Credit Information System noong ika-29 hanggang 30 ng Mayo 2017.

Dumaan sa dalawang araw na pagsasanay ang 145 na indibidwal na binubuo ng bookeepers at compliance officers mula sa 72 malalaking kooperatiba sa lalawigan.

Itinatakda ng RA 9510 na pagkakaroon ng mga kooperatiba ng CIS sa buong bansa partikular yaong mga nasa finacial operations and services upang magkaroon ng mabisang pagkalap ng mga impormasyon upang maging madali ang pag proseso ng pagpapautang ng mga kooperatiba.

Mahalaga umanong maipatupad ang makabagong paraang ito nang pagkolekta ng datos at impormasyon sa mga kooperatiba sa lalawigan upang maiwasan ang pagbibigay serbisyo sa mga delingkwenteng credit applicants.

Saklaw ng pagsasanay ang basic consolidation of credit data, central registry and credit information repository at pagtatalaga ng reliable and standardized information on credit history, and borrowers financial condition.

Sa pagsasanay ng mga cooperative officers, dumaan ang mga ito sa introduksyon sa CIS ganun din sa RA 9510, CIS technical overview and Excel template, file encryption, rules on field validation, at Excel file conversion to text format procedures.

Naging pangunahing mga tagapagsanay sa programa sina Atty. Carlo Paolo Murcia, Legal Officer ng Credit Information Corporation, Ma. Bernadette Bautista, Acting Senior Vice President for Credit Information Management Services Group, Credit Information Corporation.

Katuwang ng mga nasabing opisyales sa pagsasagawa ng programa ang mga opisyal at kawani ng PCLEDO sa pangunguna ni PCLEDO chief Celia Atienza. / Edwin V. Zabarte-PIOBatangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.