Empleyado at Ilang Detainees ng Batangas Provincial Jail, 100% Negative sa Drug Test

Father’s Day 2019, Ipinagdiwang sa Batangas Capitol
June 24, 2019
Poverty Reduction, Livelihood and Employment Plan Binalangkas sa Batangas
June 24, 2019

June 24, 2019

Bilang tugon sa pambansang kampanya ng pamahalaan kontra iligal na droga, buong pagmamalaking ipinagbigay-alam ni Batangas Provincial Jail Officer-in-Charge, Atty. Genaro S. Cabral, ang resulta ng random drug test na isinagawa sa provincial jail, kung saan lumabas na negatibo sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot ang lahat ng empleyado at ilang detainees ng naturang piitan.

Batay sa datos, 235 na indibidwal, na binubuo ng lahat ng empleyado at 20% ng detainees, na random na napili, ng Batangas Provincial Jail, ang sumalang sa drug testing noong ika-31 ng Mayo hanggang ika 1 ng Hunyo 2019 at, ayon sa pagsusuri, ay negatibo sa metamphetamine at tetrahydrocannabinol.

Ang naiwang mga inmates naman ay maaaring isailalim sa mga susunod na mandatory random drug testing.

Naging katuwang ng Panlalawigang Piitan sa nasabing aktibidad ang Batangas Clinical Laboratory, na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Drug Enforcement Agency – Region IVA.

Ayon kay Atty. Cabral, ang drug testing ay isinagawa alinsunod na rin sa adhikain ni Governor DoDo Mandanas na tuluyang matuldukan ang kaso ng iligal na droga sa lalawigan at masiguro ang isang drug-free jail at workplace.

Samantala, matatandaan na, sa nakaraang ulat ng tanggapan, naisakatuparan nila ang mga proyektong nakatuon sa pagsugpo sa nasabing problemang panlipunan, tulad ng Oplan Galugad, imbentaryo ng mga kompiskadong gamit at kontrabando sa loob ng detention cells, pagkumpiska sa mga ipinagbabawal na mga gamot, at dismantling of makeshift bunkers. ✐ Mark Jonathan M. Macaraig, Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.