Father’s Day 2019, Ipinagdiwang sa Batangas Capitol

Batangueña, Wagi sa 14th Word Cup-Philippines
June 24, 2019
Empleyado at Ilang Detainees ng Batangas Provincial Jail, 100% Negative sa Drug Test
June 24, 2019

June 24, 2019

Idinaos ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas, ang Father’s Day celebration noong ika-24 ng Hunyo 2019 sa Provincial Auditorium, Capitol Comound, Batangas City.

Handog ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO), ang pagdiriwang ng Araw ng mga Ama ng Kapitolyo ng Batangas ay nasa ika-9 na edisyon na. Nakatanggap ang bawat isang ama ng shirt, na may nakatatak na Best Dad; at ang nakagawian nang Triple Treat na libreng masahe, manicure/ pedicure, at gupit.

Sa kanyang mensahe, binigyang-diin ni Gov. DoDo Mandanas, na kahit wala siyang biological children, ang mga kawani ng pamahalaang panlalawigan ay itinuturing niyang mga anak kung kaya’t isa rin talaga siyang ama.

Dagdag pa niya: “Tayong lahat ay isang pamilya, at ang mga ama ay may matinding pananagutan sa kanilang pamilya.” Bryan Louise Mangilin \ Photos: Karl Ambida / Macc Ocampo

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.