Eleksyon ng mga Opisyal ng IFARMC sa Balayan Bay, Isinagawa

Posibleng Pag-abot sa Lalawigan ng Mindoro Oil Spill, Pinaghahandaan na sa Batangas Province
March 15, 2023
97 Batangueño Seasonal Farm Workers Nakatakdang Lumipad tungong South Korea
March 17, 2023

March 17, 2023

Magkakatuwang na pinangasiwaan ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources Region IV-A, Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at kinauukulang local government units (LGUs) ng Lalawigan ng Batangas ang isinagawang eleksyon ng mga opisyal ng Integrated Fisheries and Aquatic Resouces Management Council (IFARMC) para sa Balayan Bay noong ika-16 ng Marso 2023 sa Provincial Auditorium, Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Ang Balayan Bay ay binubuo ng siyam na coastal LGUs na kinabibilangan ng Taal, Lemery, San Luis, Bauan, Mabini, Tingloy, Balayan, Calatagan at Lungsod ng Calaca.

Kabilang sa mga tungkulin ng IFARMC ang bumuo ng Integrated Fishery Development Plan at isumite ito sa kinauukulang Municipal Development Councils, tumulong sa pagpapatupad ng mga batas, tuntunin at regulasyon sa pangisdaan sa mga kinauukulang katubigan ng munisipyo, at irekomenda ang pagsasabatas ng pinagsamang mga ordinansa sa pangisdaan sa Sangguniang Bayan at Sangguniang Panlungsod sa pamamagitan ng Committee on Fisheries ng mga ito.

Nahalal bilang Pangulo ng IFARMC si Mr. Wilfredo Hernandez ng Calatagan; Pangalawang Pangulo si Mr. Jaime Ulysses ng Mabini; Kalihim si Mr. Adolfo Murillo ng Balayan; Ingat Yaman si Mr. Robert Wolfert ng Taal; Tagasuri si Mr. Alvin De Castro ng Lemery; at Tagapamayapa si Ms. Regina Gonzales ng Bauan. Ang mga bagong opisyal na nahalal ay pawang mga miyembro ng Municipal Fisheries And Aquatic Resource Management Council (MFARMC).

Dumalo sa nasabing programa sina Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division (RFTFCD) Chief Maribeth Ramos, Regional FARMC Cordinator Josefina Tolentino, Alternate FARMC Focal Person Joyce Ann Pia, at mga kawani ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg), sa pangunguna ni OPAg Department Head. Dr. Rodrigo Bautista.

Jayne Elarmo; Photos by JunJun De Chavez – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.