97 Batangueño Seasonal Farm Workers Nakatakdang Lumipad tungong South Korea

Eleksyon ng mga Opisyal ng IFARMC sa Balayan Bay, Isinagawa
March 17, 2023
Batangas Province, Patuloy ang Paghahanda para sa Kumakalat na Mindoro Oil Spill
March 17, 2023

March 17, 2023

Handang-handa na ang 97 na Batangueño seasonal farm workers na lilipad tungo sa Chuncheon City sa bansang South Korea sa darating na Linggo ika-19 ng Marso 2023, matapos isagawa ang Pre-Departure Orientation Seminar sa Provincial Auditorium sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas ngayong araw ng Biyernes, ika-17 ng Marso 2023.

Ang naturang aktibidad ay kaugnay ng pagpapatuloy ng Seasonal Farm Workers Program ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ni Governor DoDo Mandanas, at ng pamahalaan ng ChunCheon City.

Magkatuwang na pinangangasiwaan ang proyektong ito ng Office of the Provincial Agriculturist (OPAg) at Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO).

Ayon sa dalawang tanggapan, nagmula sa 32 na local government units ng Batangas ang mga benepisyaryo o napiling lumahok sa nasabing programa. Ito ang ika-apat na beses na magpapadala ang lalawigan sa bansang South Korea ng mga seasonal farm workers mula nang simulan ang inisyatibo noong taong 2018.

Naging resource speaker sa pagtitipon si Korean Studies Program Director ng Ateneo De Manila University, Ms. Aurea Javier, na nagbigay ng kaunting background tungkol sa South Korea gaya ng klima, kultura at iba pa. Ilang paalala rin ang kanyang binanggit upang magkaroon ng maayos na pagsasama ang mga Batangueño at mga dadatnang farms sa ChunCheon City.

Naging bahagi rin ng nasabing aktibidad ang pagkaroon ng Oath of Undertaking, na pinangunahan naman ni Provincial Administrator Wilfredo D. Racelis.

Nakiisa at nagbigay rin ng kanilang mensahe sina PTCAO Assistant Department Head, Ms. Jaida M. Castillo, at Assistant Provincial Agriculturist, Ms. Luz M. Labit.

Janssen Olimba /Photos: Macven Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2

Comments are closed.