COVID-19 Assistance para sa mga Batangueño SPED Students, Patuloy na Ipinamamahagi

RESOLUTION NO. 679 PROVINCIAL ORDINANCE NO. 022 YEAR 2020 – ORDINANCE MANDATING THE STRICT IMPLEMENTATION OF SOCIAL OR PHYSICAL DISTANCING AND PROVIDING PENALTIES FOR VIOLATION THEREOF AND OTHER PURPOSES
August 24, 2020
Higit 20 Batangueñong Pamilyang Nasunugan, Binigyang Tulong ng Kapitolyo
August 25, 2020

August 25, 2020

Patuloy na ipinamamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial School Board (PSB), ang COVID-19 assistance para sa mga mag-aaral ng Special Education (SPED) class ng iba’t-ibang pampublikong paaralan sa Lalawigan ng Batangas.

Ito ay sang-ayon sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas na maihatid ang nararapat na suporta at pag-alalay para sa kagalingan ng bawat isang mag-aaral na Batangueño.

Ang naturang assistance distribution, na nagsimula noong ika-5 ng Agosto 2020, ay mayroong kabuuang target na 600 na benepisyaryong mag-aaral na mga Persons with Disability (PWD).

Ang bawat SPED student ay nakatatanggap ng rice packs, habang nakatakdang isunod na rin ang cash allowance na kasalukuyan nang inaayos.

Tinitiyak naman ng mga kawani ng Kapitolyo, sa pagtungo nila sa bawat venue o paaralan, na nasusunod ang physical distancing at iba pang itinakdang health and safety measures.

Samantala, naka-schedule ang pagkakaloob ng pinansyal na tulong para sa SPED students sa ika-26 ng Agosto hanggang unang linggo ng buwan ng Setyembre.

Paalala ng PSB, sa pagkuha ng allowance na isasagawa sa Kapitolyo, sa Lungsod ng Batangas, tanging mga magulang o guardian ng mga estudyante ang maaaring kumuha at kinakailangang dalhin ang Identification Card (ID) ng bata, ID ng magulang na kukuha ng financial assistance, at birth certificate ng estudyante sa araw ng pagkuha.

M.J. Macaraig / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.