August 25, 2020
Nagpaabot ng tulong ang Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Social Welfare and Development Office Office (PSWDO), sa mahigit 20 na pamilyang Batangueñong nasunugan kamakailan.
Dinalhan ng PSWDO ang pitong pamilyang nasunugan sa Brgy. San Bartolome, Lungsod ng Sto. Tomas ng mga food packs, hygiene kits, at non-food commodities, kabilang ang balde, tabo, banig, kumot, plywood at yero. Ayon sa datos, limang bahay ang totally damaged, habang 2 ang partially damaged sa nasabing lungsod.
15 na pamilyang nasunugan naman sa Sta. Clara, Lungsod ng Batangas ang nabigyan ng ayudang pagkain at construction materials.
Sa tagubilin ni Gov. DoDo Mandanas, nakatutok din ang pamahalaang panlalawigan sa patuloy na pagbibigay ng tulong pinansiyal at materyal sa mga nangangailangang Batangueño, sa kabila ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.
Mon Antonio A. Carag III, Batangas PIO