Computers Ipinagkaloob ng Kapitolyo sa Ilang Barangay

Gov. Mandanas, muling Nagpatawag ng Pagpupulong para sa Agarang Solusyon sa Kasalukuyang Suliranin ng Batangas Sugarcane Planters
January 24, 2023
Bilang ng mga Iskolars ng Kapitolyo sa AY2022-23, higit 43,000
January 26, 2023

January 24, 2023

6 na mga barangay mula sa iba’t ibang bayan sa Lalawigan ng Batangas ang tumanggap ng mga bagong desktop computers mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas na ipinagkaloob matapos ang lingguhang pagbibigay-pugay sa bandila ng Pilipinas ngayong araw, ika-23 ng Enero 2023, sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Malugod na hinarap ni Governor DoDo Mandanas upang personal na ibigay ang mga naturang computers sa mga kinatawan ng Barangay Sampaguita ng Bayan ng Bauan, Barangay Fernando Air Base ng Lungsod ng Lipa, Barangay Mahabang Lodlod at Barangay Zone 2 ng Bayan ng Taal, at Barangay Bañadero at Poblacion 6 ng Lungsod ng Tanauan.

Bukod dito, binigyan din ng laptop computer si Ginoong Christopher B. Luna, ang Federation President ng Barangay Nutrition Scholars (BNS) sa lalawigan.

Ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng mga nasabing barangay sa tanggapan ng Provincial Assistance for Community Development (PACD), na bahagi ng programa ay ang community development sa pamamagitan ng pag-agapay sa bawat barangay at komunidad sa lalawigan. Inaasahang malaki ang maitutulong ng mga kagamitang ito upang mas mapabilis pa ang pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

Nakiisa sa distribution activity, na ginanap sa tanggapan ng gobernador, sina Vice Governor Mark Leviste, 1st District Board Member Armie Bausas, at PACD department head Fredesvinda Mendoza, RSW.

Mon Antonio A. Carag III – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.