Gov. Mandanas, muling Nagpatawag ng Pagpupulong para sa Agarang Solusyon sa Kasalukuyang Suliranin ng Batangas Sugarcane Planters

Provincial Government of Batangas Procurement Monitoring Report for the period of July – December 2022
January 13, 2023
Computers Ipinagkaloob ng Kapitolyo sa Ilang Barangay
January 24, 2023

January 24, 2023

Sa pagtatapos ng taong 2022, inanunsyo ng Central Azucarera Don Pedro, Inc. (CADPI) sa Nasugbu, Batangas, isa sa pinakamalaking sugar mills sa Pilipinas, ang pagsasara ng kanilang operasyon para sa crop year 2022-2023. Dahil dito, nagkaroon ng pangamba ang mga magtatanim ng asukal para sa mga tubo na kanilang aanihin ngayong taon.

Nitong Lunes, ika-23 ng Enero 2023, sa isinagawang pagpupulong ng Batangas Sugarcane Planters, na pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas sa Bulwagang Batangan sa Kapitolyo, Lungsod ng Batangas, ibinahagi ang mga hakbang na gagawin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas para mabigyan ng agarang solusyon ang suliranin. Kasunod ito ng mandato ni Pangulong Bongbong Marcos sa gobernador na siguruhing walang magiging pinsala sa mga magsasaka ng tubo.

Bilang pagtugon, ang mga tubo na hindi kakayaning iluhin ng Universal Robina Corporation (URC) Sugar Mill sa Balayan ay dadalhin sa Central Azucarera de Tarlac para maproseso. Ang mga gugugulin sa transportasyon ay sasagutin ng pamahalaan mula sa pondo na inilaan ng pambansang gobyerno, nang sa gayon ay walang magiging dagdag na gastusin ang mga magtatanim.

Tiniyak ni Governor Mandanas na walang dapat ipag-alala ang mga sugarcane planters dahil patuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa pangulo para matugunan ang mga pangangailangan at ang pangmatagalang solusyon sa problemang ito.

Dinaluhan ang talakayan nina Vice Gov. Mark Leviste; 1st District Board Members Armie Bausas at Junjun Rosales; Provincial Agriculturist, Dr. Rodrigo Bautista; Provincial Legal Officer, Atty. Cesar Castor Sr.; at iba pang mga opisyal ng Kapitolyo, kasama ang mga kinatawan ng Central Azucarera de Tarlac at Universal Robina Corporation (URC) Sugar Mill.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photos by Karl Ambida

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.