Bilang ng mga Iskolars ng Kapitolyo sa AY2022-23, higit 43,000

Computers Ipinagkaloob ng Kapitolyo sa Ilang Barangay
January 24, 2023
Local Government Support Fund – Support to Barangay Development Program – Report on Fund Utilization and Status of Program/Project Implementation as of December 31, 2022
January 31, 2023

January 26, 2023

Patuloy ang mga programang pang-edukasyon ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Governor DoDo Mandanas, ngayong 2023 para sa mga estudyanteng Batangueño.

Sa naging panayam ng B’yaheng Kapitolyo kay Gng. Merlita Pasatiempo, isa sa mga tagapangasiwa ng Scholarship Division sa ilalim ng Office of the Provincial Governor, matapos ang unang semester ng taunang panuruan 2022-2023, may kabuuang bilang na 43,722 na enrolled scholars ang pamahalaang panlalawigan, na nahahati sa 4,070 sa Senior High School, at 34,713 sa Kolehiyo at graduate school. Sa special education, 669 ang mga mag-aaral sa elementarya sa mga pampublikong paaralan sa iba’t ibang distrito ng lalawigan at 270 naman ang mga nasa special schools.

Paliwanag pa ni Gng. Pasatiempo, may dalawang eskima ang scholarship program. Ang scheme 1 ay para sa mga estudyante na nagtapos sa senior high school na kabilang sa nangungunang lima sa kanilang paaralan, habang ang scheme 2 ay para sa mga graduates na may grading hindi bababa sa 85. Kada semester, nakakatanggap ang mga scholars ng halagang ₱25,000 sa scheme 1 at ₱10,000 sa scheme 2. Kinakailangang mapanatili ng mga scholars ang kanilang mga grado sang-ayon sa nakalaang guidelines para manatili sa programa.

Ipinagmalaki rin ng executive assistant na, mula 2016, umabot na ang mga nakapagtapos at natulungan ng scholarship program sa mahigit 117,000. Kabilang sa mga naging iskolar ng pamahalaang panlalawigan noon sina Atty. John Arvin B. Atie, na isa nang State Auditor IV ngayon at kasalukuyang Audit at Team Leader ng Commission on Audit Batangas Provincial Office, at Board Member Melvin Vidal, ang President ng Batangas Provincial Councilors’ League at Ex-Officio member ng Sangguniang Panlalawigan.

Jayne Elarmo/Janssen Olimba – Batangas Capitol PIO

Please follow and like us:
fb-share-icon
Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.