October 25, 2023
Nakahanda nang i-endorso ng Batangas Provincial Council for the Protection of Children ang binalangkas na Revised Child Welfare Code of the Province of Batangas sa Provincial Legal Office para sa pinal na pagsusuri ng mga probisyon nito at kaugnay na mga batas.
Pagkatapos nito, ipapasa na ito sa Sanguniang Panlalawigan ng Batangas para sa kaukulang aksyon, daan upang ito ay tuluyan ng malagdaan bilang lokal na batas ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa ilalim ng pamunuan ni Governor Hermilando I. Mandanas.
Ang Batangas Province Child Welfare Code ang sisiguro sa pangkalahatang kabutihan at kapakanan ng mga kabataan sa lalawigan. Nakapaloob dito ang mga alituntunin na inaasahang makasisiguro sa kanilang Survival o pagkakaroon ng access to healthcare and shelter; Development o pagkakaroon ng tamang edukasyon at karunungan; Protection o paglaban sa mga pang-aabuso, at ang Participation o ang kanilang pagiging kabahagi ng komunidad at pagkakaroon ng kaunlarang panlipunan.
Napagatalakayan din sa isinagawang pagpupulong ang paghahanda sa darating na Provincial Children’s Month Celebration sa buwan ng Nobyembre, ganun din ang iba pang Early Childhood Care Development projects na isasagawa sa Lalawigan ng Batangas .
Edwin V. Zabarte/Photo-Mac Venn Ocampo/Batangas PIO