Batangas Province, Best ang PDRRMC sa CALABARZON

Batangueña, pambato ng Pilipinas sa Miss Tourism Queen International 2017 sa China
August 24, 2017
Notice of Vacant Positions
August 25, 2017

Batangas PDRRMC, Best sa CALABARZON. Nakamit ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang 1st Place sa kategorya ng Best Provincial Disaster Risk Reduction and Management Councils sa buong CALABARZON Region sa 2017 Gawad Kalasag Awarding Ceremony na ginanap sa Development Academy of the Philippines, Tagaytay City noong ika-24 ng Agosto 2017. Naging kinatawan ng Batangas PDRRMC na tumanggap ng pagkilala sina (mula kanan) Provincial Engineer Gilbert Gatdula; PDRRMO chief Lito Castro, na nahirang din na Best PDRRMO sa Region 4A; Acting Governor Nas Ona; Ms. Adel Macaraig ng Provincial Social Welfare and Development Office; at Office of Civil Defense Region 4A Director Olivia Luces. Vince Altar / Photo: Lito Castro – Batangas Capitol PIO

Muling napatunayan ang husay at sipag ng mga bumubuo ng Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management  Council (PDRRMC) nang magawaran ito ng 1st Place sa kategorya ng Best Provincial Disaster Risk Reduction and Management  Councils sa buong CALABARZON Region sa 2017 Gawad Kalasag Awarding Ceremony na ginanap sa Development Academy of the Philippines, Tagaytay City noong ika-24 ng Agosto 2017.

Kaugnay nito, nahirang namang Best Provincial Disaster Risk Reduction and Management  Officer si Mr. Joselito M. Castro sa Region 4A.

Sa pamamagitan ng nasabing awards, kinilala ng Office of Civil Defense at Regional Disaster Risk Reduction and Management  Council – CALABARZON ang ipinamalas na kahusayan ng Batangas Province sa Disaster Risk Reduction Management at climate change adaptation, na ginagabayan ng mahusay na pamunuan na nakahandang mamuhunan para sa mga kritikal na pangangailangan ng konseho para sa agaran at wastong serbisyo publiko.

Ito ang ikalawang pagkakataong nakamit ng lalawigan ang nasabing award na nagpapakita sa tuloy-tuloy na magandang pagpapalakad ng PDRRMC, sa pangunguna ni Gov. Dodo Mandanas at PDRRMO chief Lito Castro.  Binigyang-diin sa nasabing gawad na ang Batangas PDRRMC ay kaisa ng CALABARZON DRRMC sa pagpapatupad ng pambansang bisyon na “Safer, adaptive and disaster-resilient Filipino communities towards sustainable development.”

Naging kinatawan ng Batangas PDRRMC na tumanggap ng pagkilala sina Acting Governor Nas Ona, Provincial Engineer Gilbert Gatdula at Ms. Adel Macaraig ng Provincial Social Welfare and Development Office.   Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.