Batangueña, pambato ng Pilipinas sa Miss Tourism Queen International 2017 sa China

Tulong Ayuda
August 24, 2017
Batangas Province, Best ang PDRRMC sa CALABARZON
August 24, 2017

August 24, 2017

BATANGUEÑA BEAUTY QUEEN, KINILALA. Binigyang pugay ang Batangueñang, tubong Brgy. San Teodoro, Bauan, Batangas, nang mag-Courtesy Call sa Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Acting Gov. Sofronio “Nas” Ona Jr., si Bb. Darlene Mae Panopio Reyes, ang Ms. Philippines 2017 Tourism Queen International noong ika-22 ng Agosto 2017. Magiging kinatawan ng Pilipinas sa China ngayong Setyembre. Jhay Jhay Pascua – PIO Batangas Capitol

Nang ginanap ang press presentation para sa Miss Philippines 2017 sa Sulu Riviera Hotel sa Quezon City noong August 16, 2017, isang mahalaga at surpresang balita ang ipinahayag.  Limang titulo ang paglalabanan sa Miss Philippines.  Pero dahil sa sobrang lapit na ng competition ng isa sa major titles, ang Miss Tourism Queen International, kinailangang magtanghal na kaagad ng isang crowned winner.

Para makapag korona ng isang beauty queen, ang 40 candidates na mula sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas ay dumaan sa pre-pageant, kabilang ang swimsuit contest, talent competition at question and answer.  Ang nangibabaw sa lahat ng mga pre pageant activities ay ang Batangueñang, pambato ng Bauan, Batangas, na si Binibining Darlene May Reyes.  Kung kaya siya ang tinanghal na Miss Philippines 2017 – Tourism Queen International.

Tutulak si Darlene,  na nagwaging Mutya ng Batangas 2012 sa pageant na idinaos sa Tanauan City, papuntang China sa September 2, 2017 upang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Tourism Queen International competition na magaganap bago magtapos ang Setyembre.   Jenny Asilo Aguilera – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.