Batangas Capitol, Nakiisa sa Pagdiriwang ng National Lung Month

3rd Quarter Provincial Social Waste Management Board Meeting, Isinagawa
August 26, 2022
Notice of Award – Purchase of 173,333 family food packs (grocery packs) – 5 kilos Sinandomeng rice, 2 tins Corned Beef 150g, 2 tins Flavored Tuna 155g, 2 tins Luncheon Meat 165g, 1 pack Champorado 113g, 8 pcs Cereal 30g, ecobag with print for distribution to indigent families and accredited volunteers due to COVID-19 Pandemic in the province of Batangas
August 26, 2022

August 26, 2022

Awarding Ceremony, Phase 2 ng Programang iDOTS, Tampok na mga Aktibidad

Sa unang pagkakataon buhat nang magsimula ang COVID-19 pandemic, muling idinaos ang obserbasyon at pagdiriwang ng National Lung Month nang face-to-face o on-site ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangangasiwa ng Provincial Health Office (PHO).

Ang naturang selebrasyon, na ginanap noong ika-26 ng Agosto 2022, sa Cintai Coritos Garden sa Bayan ng Balete, ay personal na pinangunahan ni Governor DoDo Mandanas, kasama sina 2nd District Board Member at Committee on Health Chairperson, Dr. Arlene Magboo; PHO Department Head, Dr. Rosvilinda Ozaeta; at mga doktor na bumubuo ng PHO Tuberculosis team, na kinabibilangan nina Dr. Rosalie Masangkay at Dr. Josephine Gutierrez.

Sentro ng tema ngayong taon ang integrasyon ng implementasyon ng Universal Health Care sa pagkakaroon ng mas malawak na access at mas pinaigting na pagpapatupad sa mga programa na layuning tuluyang matuldukan ang tuberculosis (TB).

Paglulunsad ng iDOTS Phase 2

Naging highlight ng Lung Month celebration ng probinsya ang paglulunsad ng Phase 2 ng Integrated Delivery of Tuberculosis Services o mas kilala sa tawag na iDOTS, na sinaksihan ng mga dumalong opisyal at kinatawan ng iba’t ibang health-related offices sa CALABARZON, gayundin ng mga katuwang na ahensya, organisasyon, at local health units sa lalawigan.

Ang iDOTS ay isang makabagong konsepto na pinasimulan ng Department of Health – National Capital Regional Office (DOH-NCRO), kung saan mas nailapit sa mga indibidwal na may TB ang kinakailangang health care at management services. Taong 2016 ng magsimula ang nationwide implementation nito sa pamamagitan ng National TB Control Program (NTP) of the Philippines.

Sa dalawang transisyon ng programa, ang lalawigan ay nasa phase 2 na ng pagpapaganap nito, na nangangahulugan ng pagbibigay ng mas komprehensibong serbisyo sa kabuuan ng pag-aalaga, mula screening at diagnosis hanggang sa pagtatapos ng treatment, kabilang ang post-treatment follow-up at contact tracing.

Tanda ng pagsisimula ng phase 2 ng programa ang simbolikong pagsisindi ng Torch of Unity at paglalatag ng provincial iDOTS road map, na sumasalamin sa commitment ng bawat isa patungo sa pagsusulong ng isang TB-free Batangas.

Paggagawad ng pagkilala sa mga indibidwal at lokal na pamahalaan

Patuloy naman ang ginagawang pagkilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa mga natatanging indibidwal at lokal na pamahalaan na nagpamalas ng kahusayan at ibayong sigasig upang patuloy na mapalakas ang mga programang naglalayon na wakasan ang sakit na tuberculosis.

Kaugnay nito, sa aspeto ng screening process, nagkamit ng highest number of screened individual for TB sa pamamagitan ng chest x-ray voucher ang Tanauan City matapos makapagtala ng 646 availed x-ray vouchers. Ang Bayan ng Bauan naman ang nakakuha ng may pinakamataas na bilang para sa enrolled TB cases through chest x-ray voucher, na may naitalang 33 na mga pasyente.

Bukod dito, nanguna ang Lipa City bilang Top Performing Local Government Unit in Active Case Finding, na may naitalang 3,145 screened individuals. Batangas City Jail naman ang jail facility na may highest number of screened individuals, matapos makapagtala ng 416 Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa pamamagitan ng TB mass screening, at ang bayan ng Nasugbu ang kinilala na jail facility na may highest number of enrolled TB cases, kung saan nakapagtala ito ng 18 PDLs.

Sa testing at diagnosis, nanguna ang Tanauan City na may 58% o may katumbas na 1,839 GeneExpert Testing Accomplishment, dahilan para hirangin bilang Highest Performance in Rapid TB Diagnostic Laboratory awardee.

Para naman sa treatment process, nakamit ng Lipa City ang Highest Case Notification Rate (CNR) at Treatment Success Rate (TSR), matapos makapagtala ng 276 CNR at 98% TSR. Nahati naman sa tatlong kategorya ang mga nagkamit ng kaparehong pagkilala sa municipal level. Bayan ng Balayan, na may 318 CNR at 93% TSR para sa munisipalidad na may populasyon na 100,000 at higit pa; Bayan ng Ibaan, na nakapagtala ng 430 CNR at 94% TSR para sa munisipalidad na may populasyon na 50,000 hanggang 99,000; at Bayan ng Alitagtag, na may datos na 387 CNR at 97% TSR para sa munisipalidad na may populasyon na mababa sa 50,000.

Iginagawad naman sa Bayan ng Balayan ang Best Practices on Provider Initiated Counseling and Testing award, Best Performing Satellite Treatment Center (STC) ang Taal STC, at kinilala ang San Jose Rural Health Unit bilang Best in Performance in iDOTS.

Sa prevent process, ang Bayan ng Balayan ang ginawaran ng pagkilala bilang lokal na pamahalaan na may mataas na bilang ng enrollment sa TB Preventive Treatment.

Samantala, tumanggap naman ng Special Awards sina Imelda Nones ng Tanauan City Health Office bilang Best Nurse in TB Care; Editha Ramillo ng Tanauan City Health Office bilang Best MedTech in TB Care; Dr. Agnes Chua ng Ibaan bilang Best Municipal Health Officer in TB Care; at Jimolive Jane H. Molinar bilang Highest Performing TB Notification Officer. Nahirang namang Model of Primary Care Provider Network ang Bayan ng Mabini; Most Promising Public-Private Partnership for TB Implementation ang Bayan ng Calaca; at Most Supportive Local Government Unit in TB Elimination ang Bayan ng Taysan.

Mark Jonathan M. Macaraig / Photos: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.