3rd Quarter Provincial Social Waste Management Board Meeting, Isinagawa

Notice of Vacant Positions
August 22, 2022
Batangas Capitol, Nakiisa sa Pagdiriwang ng National Lung Month
August 26, 2022

August 26, 2022

Isinagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Government Environment and Natural Resources Office (PG-ENRO), ang 3rd Quarter Provincial Social Waste Management Board Meeting noong ika-26 ng Agosto 2022 sa Barangay Cawongan, Padre Garcia, Batangas.

Ang nasabing pagpupulong, na pinamunuan nina Provincial Administrator Wilfredo Racelis at PG-ENRO Department Head Luis Awitan, ay dinaluhan ng mga representante ng mga pamahalaang lokal ng lalawigan at mga tanggapan ng Kapitolyo.

Sa board meeting, tinalakay ni Mr. Norman Vincent Baes ng Republic Cement & Building Materials Inc. ang tungkol sa kanilang isinasagawang co-processing of wastes. Sa papamamagitan ng ecoloop, ang resource recovery group ng nasabing kompanya, pinoproseso ang mga plastik at gulong bilang alternative fuel na nagagamit sa pagpapatakbo ng kanilang makinarya. Dahil dito, bumababa ang paggamit ng fossil fuel kagaya ng coal, at napabababa rin ang carbon emissions. Kaugnay nito, iniaalok ng Republic Cement sa mga LGU ang pagpapalitan ng lima hanggang sampung bag ng semento kada isang toneladang plastik na kanilang maibibigay.

Samantala, tinalakay naman ni Mr. Rouel Kasilag, Municipal ENRO ng Padre Garcia, ang kanilang best practices sa solid waste management, kabilang ang kanilang sinusunod na mga proseso at ang mga proyekto na kanilang patuloy na isinasagawa para sa pagpapabuti ng kanilang munisipalidad.

Nagkaroon din ng site visitation sa kanilang Resource Recovery Facility sa Barangay Payapa, Padre Garcia, kung saan pinoproseso ang mga nakokolektang basura upang mas maging kapakipakinabang.

Nakiisa rin sa pagpupulong si Provincial Planning and Development Coordinator, Engr. Evelyn Estigoy.

Jayne Elarmo/Photos: Macven Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.