Batang Batangueño, Humakot ng Awards sa World Championship of Performing Arts (WCOPA)

Gabi ng Sangguniang Kabataang Batangueño, Isinagawa sa Kapitolyo
August 22, 2023
Mga Manlalarong Batangueñong Wagi sa 2023 Palarong Pambansa, Kinilala ng Kapitolyo
August 23, 2023

August 23, 2023

Isang Resolution ng Pagkilala ang iginawad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pamamagitan ng Sangguniang Panlalawigan, kay Yeuhan Santi Yñigo Millo na nagwagi sa iba’t ibang larangan sa ginanap na World Championship of Performing Arts (WCOPA) noong ika-28 ng Hulyo hanggang ika-6 ng Agosto 2023 sa Anaheim, California, Estados Unidos.

Tubong Lungsod ng Tanauan, si Millo ay isa sa mga kinatawan ng Pilipinas sa nasabing pandaigdigang patimpalak. Itinanghal siya bilang WCOPA 2023 Semi-Finalist, Champion of the World Division Winner at Multi Gold Medalist / Gold Medalist – Latin Category, Gold Medalist – Opera Category, Silver Medalist – Rock Category, Silver Medalist – Modeling Casual, Silver Medalist – Modeling Formal, at Bronze Medalist sa R&B /Soul / Jazz Category).

Sa resolusyong iniakda ni 3rd District Board Member Fred Corona, inilarawan ang pagkakapanalo ng Batangueñong taga-Tanauan na napakalaking karangalang hatid hindi lamang sa Lungsod ng Tanauan kundi maging sa Lalawigan ng Batangas at sa buong Pilipinas. Dagdag pa rito, ang tagumpay ni Millo ay magsisilbing inspirasyon sa mga kabataan sa lalawigan at sa buong bansa na magsikap at magtiyaga upang makamtan ang tagumpay sa anumang larangan.

Naging katuwang ni Board Member Corona sa pagbuo ng resolusyon sina 6th District Board Member Lydio Lopez, 2nd District Board Member Arlene Magboo at Sangguniang Kabataan (SK) Provincial Federation Board Member Maria Louise Vale.

Jayne Ylagan / Francis Milla – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.