Mga Manlalarong Batangueñong Wagi sa 2023 Palarong Pambansa, Kinilala ng Kapitolyo

Batang Batangueño, Humakot ng Awards sa World Championship of Performing Arts (WCOPA)
August 23, 2023
Invitation to Bid – GOODS (September 14, 2023)
August 24, 2023

August 23, 2023

Opisyal na kinilala at binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang mga manlalarong Batangueño na umani at nag-uwi ng tagumpay mula sa iba’t-ibang larangan ng palakasan sa katatapos na 63rd Palarong Pambansa 2023 na ginanap sa Lungsod ng Marikina noong ika-29 ng Hulyo hanggang ika-5 ng Agosto 2023.

Kasunod ng flag ceremony ng Kapitolyo noong ika-22 ng Agosto 2023 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, ipineresenta ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD) sa mga opisyal at kawani ng pamahalaang panlalawigan, sa pangunguna nina Governor DoDo Mandanas, Vice Governor Mark Leviste at mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, ang mga kabataang nagpamalas ng pambihirang kahusayan at abilidad sa palakasan.

Namayagpag ang galing ng mga kabataang Batangueño matapos humakot ang mga atleta ng 21 gold, 7 silver, at 46 bronze medals.

Umabot naman sa halos dalawang daang piso ang iginawad na cash incentives sa mga nagsipagwaging Batangueño athletes.

Jayne Ylagan / Francis Milla – Batangas PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.