Gabi ng Sangguniang Kabataang Batangueño, Isinagawa sa Kapitolyo

Supplemental / Bid No. 1 (Q-48) August 30, 2023
August 22, 2023
Batang Batangueño, Humakot ng Awards sa World Championship of Performing Arts (WCOPA)
August 23, 2023

August 22, 2023

Ipinagdiwang ang Sangguniang Kabataan (SK) Night, sa pangunguna ng Sangguniang Kabataan Provincial Federation of Batangas, noong ika- 18 ng Agosto 2023 sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Kapitolyo, Lungsod ng Batangas.

Kaugnay ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, ang culminating activity ay handog ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD), katuwang ang tanggapan ni Sangguniang Kabataan Provincial Federation President, Board Member Maria Louise Vale, para sa mga kabataang opisyales mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa lalawigan.

Tampok sa naturang pagtitipon ang pagbibigay ng pagkilala sa mga itinanghal na wagi sa SK Magiting, Local Youth Development Office, Best Youth Organization at Battle of the Bands. Gayun din, binigyang pagkilala ang mga SK Municipal at City Federation Presidents at mga dating Kabataang Barangay leaders mula sa una, ikalawa at ikatlong klaster sa Lalawigan ng Batangas.

Naging pangunahing bisita at tagapagsalita si Governor DoDo Mandanas, na pinasalamatan ang mga kabataang patuloy na naglilingkod sa kanilang mga pamayanan. Binigyang-diin din niya na nakahanda at patuloy na nakasuporta ang pamahalaang panlalawigan sa mabubuting layunin ng Sangguniang Kabataan para sa buong lalawigan.

Aktibo ring dumalo sa aktibidad sina 3rd District Board Member Alfredo Corona, 5th District Board Member Arthur Blanco at ilang mga bise alkalde at konsehal mula sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Batangas.

Umaasa naman ang PACD, na sa pamamagitan ng mga programang ito, patuloy na maisusulong ang interes at pagbibigay halaga sa mga kabataan, partikular ang mga kabataang Batangueño.

Junjun De Chavez / Ornald Tabares, Jr. – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.