Higit 15K nabakunahan kontra Tigdas sa Batangas

Bagong DILG Batangas Provincial Office, pinasinayaan
February 15, 2019
Batangueño production ng “Urbana at Felisa” Musical Play, sinuportahan ng Batangas Culture and Arts Council
February 18, 2019

February 18, 2019

Batay sa isinagawang Rapid Coverage Assessment (RCA) ng Department of Health (DOH) at Provincial Health Office (PHO), nakapagtala ang Lalawigan ng Batangas ng mahigit 15,000 na nabigyan ng bakuna kontra Tigdas, simula Enero hanggang ika-20 ng Pebrero 2019.

Sa huling datos, pang-apat sa may pinakamaraming bilang ng kaso ng tigdas sa CALABARZON ang Batangas Province. Bilang tugon dito, 300 libong mga bata ang target na mabigyan ng vaccine hanggang Abril 2019.

Nangunguna sa pagkilos ang Tanauan City, Lipa City, Batangas City, at ang Bayan ng Malvar upang masugpo ito. Nagtala ng maraming kaso ng Tigdas ang nasabing mga local government units, na maagap namang ginampanan ang tungkulin na maprotektahan ang mga nasasakupan laban sa Tigdas outbreak.

Ang PHO ay nagtayo ng mga designated vaccine centers sa mga matataong lugar, kagaya ng malls at simbahan. Nagtalaga din sila ng mga Fixed Post Vaccine Centers at nagsagawa ng door-to-door visitations para masiguradong maaabot ng bakuna ang mga mamamayan.

Sa kasalukuyan, 258 na kaso ng Tigdas ang naitala sa lalawigan, habang 3 naman ang kompirmadong namatay dahil sa nasabing sakit na mula sa mga bayan ng Balayan, Malvar, at San Juan. / Francis L. Japor – Batangas PIO, Photo: Batangas PHO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.