Agricultural Modernization ng Batangas, Mas Pinalakas Pa

Invitation to Bid (November 11, 2021)
October 22, 2021
Pagpapahinga ng mga Look ng Lalawigan ng Batangas, Muling Ipapatupad
October 23, 2021

October 23, 2021

Sa pamamagitan ng Capability Development Fund, ang Tanggapan ng Provincial Agriculturist (OPAg) ay nabigyan ng pondo upang makabili ng mga makinarya na magagamit sa patuloy na pagbibigay serbisyo sa mga magsasakang Batangueño.

Kaugnay nito, nakabili ang OPAg ng 4 na units ng 92.5 hp-Four-Wheel Drive Tractor, 2 units ng 41 hp-Four-Wheel Drive Tractor, at 2 units ng Multi-Tiller / Cultivator na pawang may mga kumpletong implements at accessories.

Ang pagbili ng mga agriculture equipment ay bilang tugon ng tanggapan, sa direktiba ni Governor DoDo Mandanas, na patuloy pang palakasin ang pagsasaka sa Lalawigan ng Batangas nang sa gayon ay makasapat sa pangangailangan ng merkado sa suplay ng pagkain sa kabila ng kinakaharap na pandemya.

Bahagi rin ito ng Agricultural Modernization na inisyatibong programa ng gobernador katuwang ang OPAg, na pinamumunuan ni Dr. Rod Bautista.

Sa pamamagitan ng mga ito, matutugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mga magsasaka para sa kanilang pagtatanim, kabilang ang paghahanda ng lupang sakahan o Land Preparation Activities.

Gagamitin ang traktora at multi-tiller sa mga taniman ng mais, gulay, palay, at iba pang high-value crops. Makakatulong naman ang drilling machine para makapaghukay ng mga butas (borehole) para sa water well development na kinakailangan sa irigasyon ng mga sakahan.

Mark Jonathan M. Macaraig – Batangas Capitol PIO
with reports and photos from Office of the Provincial Agriculturist

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.