Barangay Aid para sa mga bayan ng Lobo, Mabini at Bauan Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan

Notice of Vacant Position
January 19, 2018
January 22, 2018

January 22, 2018

Hinarap ni Gov. Dodo Mandanas ang mga Barangay Officials ng mga bayan ng Lobo, Mabini at Bauan, Batangas upang personal na makadaupang – palad at maihatid ang Barangay Aid o tulong para sa mga barangay noong ika-22 ng Enero 2018 sa Bulwagang Batangan, Capitol Compounds, Batangas City.

Masayang kinausap ng Ama ng lalawigan ang mga opisyales ng barangay at ibinalita niya na isinasaayos na ang sistema para sa planong pension para sa mga ito sa oras ng kanilang pagreretiro sa barangay. Nararapat lamang na ibalik sa mga retiradong barangay Officials sa pamamagitan ng ikinakasang pension ang kanilang mahabang panahon ng pagsererbisyo publiko, dagdag pa ni Gov. Mandanas.

Ayon sa ilang punong barangay na nakausap ng gobernador, ang barangay aid na makakalap nila ay magagamit para sa ikagaganda at ikaaayos ng kanilang mga nasasakupan, kagaya ng pagpapapintura ng kanilang barangay hall, pagpapagawa ng signages at pambili ng mga gamit sa kanilang tanggapan.

Ibinalita din ni Gov. Mandanas na tuloy na tuloy na ang Barangay Elections ngayong Mayo 2018 at inaasahang makakatulong ang mga barangay officials upang mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa darating na halalan sa kanilang mga barangay.  Jhay Jhay B. Pascua – PIO Capitol Batangas

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.