4Ps MOA ng Batangas Province at DSWD IV-A, Nilagdaan

Invitation to Submit Quotation – Small Value Procurement (December 4, 2023)
November 28, 2023
Batangas Capitol Nakiisa sa 18-Day Campaign to End VAWC
November 29, 2023

November 29, 2023

Sa layuning mas mapaigting pa ang implementasyon ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa lalawigan, pinirmahan noong ika-28 ng Nobyembre 2023 ang Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Department of Social Welfare and Development (DSWD) Field Office IV-A sa Regina R. Mandanas Memorial DREAM Zone, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas.

Sa pamamagitan ng kasunduang ito, inaasahang makabubuo ang mga stakeholders at Provincial Advisory Council members ng plano na tutugon sa mga natukoy na kakulangan, batay sa Social Welfare and Development Indicators (SWDI), sa ilalim ng Kilos-Unlad (KU): 4Ps Social Case Management Strategy, upang masiguro na hindi na muling babalik sa kahirapan ang mga nakatapos ng 4Ps.

Ang paglagda ay pinangunahan nina Governor Hermilando Mandanas at DSWD IV-A Regional Director Dr. Barry R. Chua, kasama sina Provincial Social Welfare and Development Office Head Ms. Florita Lachica at Ms. Nellibeth V. Mercado, DSWD FO IV-A Division Chief, Pantawid Pamilyang Pilipino Program, na sinaksihan ng mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan (SP).

Ang hakbang na ito ng pamahalaan ay sang-yon sa naipasang SP Resolution No. 1289, s. 2023, na nagbibigay-pahintulot sa gobernador na pumasok sa ganitong kasunduan. Dahil dito, ang Lalawigan ng Batangas ay ang kauna-unahan sa rehiyon ng Calabarzon na nagkaroon ng MOA, katuwang ang DSWD IV-A, patungkol sa Pantawid Program implementation.

Kasabay nito, kinilala ng Kapitolyo ang mga nagwagi sa Provincial Search for Huwarang Pantawid Pamilyang Pilipino, kung saan nakuha ng pamilya ni Emelita Medrana mula sa Lungsod ng Sto. Tomas ang unang puwesto. Sinundan ito ng mga pamilya nina Marilou S. Borbon ng Lobo, Jovelyn C. De Padua ng Lian at Caridad Dimaano ng Ibaan para sa ikalawa hanggang ikaapat na puwesto, ayon sa pagkakabanggit.

Nanguna naman sa Provincial Search for Exemplary Pantawid Pamilya Children si Jossa Cielo Q. Lopez mula sa bayan ng Tuy, habang nasa ikalawang puwesto si Precious Joy B. Garcia ng Tingloy. Kasama ring pinarangalan sina Rich Yvonne V. Mangubat ng Lipa City sa ikatlong puwesto at Irish Mae D. Reyta ng San Juan sa ikaapat na puwesto.
Samantala, nasa 207 graduates ng 4Ps, o mga benepisyaryo na nakamit ang self-sufficiency batay sa SWDI, ang nakatanggap ng financial assistance na nagkakahalaga ng ₱5,000.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photos by Francis Milla

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.