3rd CALABARZON Culture Summit, isinagawa sa Batangas Capitol

Mga Inisyatibo, Aktibidad sa Coop Month, Tinalakay ng Batangas PCLEDO
October 13, 2023
Calaca Grade 10 Student, Kampeon sa Koop Quiz 12th Blast Provincial-Level
October 13, 2023

October 13, 2023

Pinangunahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas ang dalawang araw na pagdiriwang ng 3rd CALABARZON Culture Summit na hatid ng CALABARZON Regional Development Council (RDC) Sub-Committee on Culture (SCC), sa pakikipagtulungan sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA), at Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) noong ika-10 hanggang ika-11 ng Oktubre 2023 sa Provincial Capitol Compound, Batangas City.

Layunin ng naturang summit na higit pang itaas ang kamalayan sa kultura at pamana sa rehiyon sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga lokal na stakeholders ng CALABARZON Region.
Ang dalawang araw na programa ay hinati sa tatlong bahagi, na may mga temeng “Panata, Pagpino, at ang Paglalakbay.”

Ang unang araw ng summit ay nakapailalim sa gabay ng isang “Panata,” isang workshop kung saan tinalakay ang CALABARZON Culture, Arts, and Values, gayundin ang pagbuo ng Development Plan Roadmaps na susubukang maisagawa sa rehiyon simula ngayong taon hanggang 2028.

Tulad ng isang panata, hangad ng SCC na hindi lamang maisagawa sa bawat lalawigan ang mga aral at karanasan na kanilang natutuhan, manapa ay maisabuhay at maipabatid sa bawat mamamayan sa rehiyon ang mahalagang papel na ginagampanan ng pamanang kultura at sining.

Sa ikalawang araw ng programa, na hango naman sa temang “Strengthening Local Culture and Arts Councils for Advanced Culture Development,” ang makabuluhang talakayan at bahagihan ay patungkol sa mga hakbangin at programang isinasagawa ng bawat Local Culture and Arts Council mula sa mga lalawigan ng CALABARZON.

Nagbahagi naman ang ilang mga Batangueño, mula sa Bayan ng Agoncillo, ng kaalaman kung paano ginagawa ang “Nilupak,” mula sa paghahalo, paglalangkap, pagpipino, paghahango, hanggang sa paghahain na natimusan ng bawat indibidwal na nakiisa sa summit.

Nagwakas sa isang masining na pagtatanghal ang pagtitipon, kung saan nagpabaon sa mga bisita at delegado ang grupong Sinala Bauan ng isang panalangin sa pamamagitan ng pagsayaw ng panata ng Subli.

Bumisita at naglibot din sa gusali ng Kapitolyo at Museo ng Batangas ang mga panauhin bilang bahagi ng sama-samang paglalakbay sa anyo ng isang Cultural Tour.

Sa dalawang araw na summit, aktibong nakiisa at dumalo bilang kinatawan ni Governor Hermilando Mandanas sina Provincial Administrator Wilfredo Racelis, at Acting Vice Governor at 5th District Senior Board Member Maria Claudette Ambida.

Ornald Tabares, Jr/Photos:Froilan Salcedo Jr. Batangas PIO Capitol

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.