Calaca Grade 10 Student, Kampeon sa Koop Quiz 12th Blast Provincial-Level

3rd CALABARZON Culture Summit, isinagawa sa Batangas Capitol
October 13, 2023
Resolution No. 1452 Year 2023, Provincial Ordinance No. 015 Year 2023 – Providing for the Passage of an Ordinance Ratifying the Amendment to Term Loan Agreement (Third Letter – Amendment) Signed and Entered into by and Between the Provincial Government of Batangas and the Development Bank of the Philippines
October 16, 2023

October 13, 2023

KoopQuiz 12th Blast Winners: Nagwagi ng tropeo at cash prizes sina Koop Quiz 12th Blast Provincial-Level Champion Gail Anjela Aristo ng Dacanlao Gregorio Agoncillo National High School, Calaca City (3rd mula kanan); 2nd Placer Brix Aidan Pesiga ng Pansol Integrated National High School, Padre Garcia (gitna); at 3rd Placer Princess Luden Alquiros ng Banaba West Integrated School, Batangas City (2nd mula kanan). Kasama sa larawan sina PCLEDO Department Head Celia Atienza (kanan), at (mula kaliwa) Ginoong Roderic Garbin, Supervising Cooperative Development Specialist (SCDS) ng PCLEDO; Ginoong Emmanuel Munda, Board of Directors member ng Cooperative Union of Batangas; at Ivybene Rose Panaglima, SCDS ng Cooperative Development Authority (CDA) Region 4A na tumayong mga miyembro ng Board of Judges. Mac Ocampo – Batangas Capitol PIO

Mula sa 34 na mga kalahok, nagwagi at itinanghal na kampeon si Gail Anjela Aristo ng Dacanlao Gregorio Agoncillo National High School, Calaca City sa Koop Quiz 12th Blast Provincial-Level na isinagawa sa Provincial Cooperative, Livelihood and Enterprise Development Office (PCLEDO) Building, Capitol Compound, Lungsod ng Batangas noong ika-13 ng Oktubre 2023.

Pumangalawa naman sa quiz bee si Brix Aidan Pesiga ng Pansol Integrated National High School, Padre Garcia, habang naging 3rd Placer si Princess Luden Alquiros ng Banaba West Integrated School, Batangas City.

Ang taunang patimpalak para sa mga Grade 10 high school students, na nasa ika-labingdalawang taon na, ay kabilang sa mga aktibidad na isinasagawa ng PCLEDO, sa pangunguna ni Ginang Celia Atienza, at mga kabalikat na Cooperative Offices sa 34 na pamahalaang lokal sa Lalawigan ng Batangas, kaugnay ng pagdiriwang ng Cooperative Month tuwing buwan ng Oktubre.

Nag-uwi ng tropeo at cash prize na nagkakahalagang ₱10,000 si Aristo, ₱7,000 si Pesiga, at ₱5,000 si Alquiros.

Ang kompetisyon ay naglalayong mabuksan nang maaga ang kamalayan ng mga kabataan tungkol sa kooperatibismo; malaking bahagi ng mga kooperatiba sa pang-ekonomiya at panlipunang kaunlaran; kahalagahan ng pagnenegosyo; at kasaysayan ng Lalawigan ng Batangas.

Ayon kay Gng. Atienza, isa itong paraan para maipalaganap ang adbokasiya ng kooperatiba sa sektor ng kabataan, kabilang ang pagtanggap ng PCLEDO ng mga estudyante na sumasailalim sa on-the-job training program, partikular ang mga kumukuha ng mga kursong Accountancy at Business Management at Operations.

Nauna na rito ang isinagawang seminar ng PCLEDO at CDA na Kooperatiba Para Sa Kabataan: Programa, Oportunidad na Pangkabuhayan (K-POP) noong Marso 2023, na dinaluhan ng mga youth groups mula sa iba’t ibang bayan at lungsod sa CALABARZON.

Tumayong mga miyembro ng Board of Judges ng patimpalak sina Ginoong Emmanuel Munda, Board of Directors member ng Cooperative Union of Batangas; Ivybene Rose Panaglima, Supervising Cooperative Development Specialist (SCDS) ng Cooperative Development Authority (CDA) Region 4A; at Ginoong Roderic Garbin, SCDS ng PCLEDO.

Aktibong ring nakiisa sa Koop Quiz sina Acting Vice Governor at 5th District Senior Board Member Claudette Ambida, na tumatayo ring Chairperson ng Sangguniang Panlalawigan Committee on Cooperatives, mga opisyal ng Department of Education sa lalawigan, at mga guro at magulang ng mga kalahok na estudyante.

V. Altar / Photos: M ac Ocampo – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.