B’yaheng Taiwan para Manghikayat ng Investors, Pinangunahan ni Gov. Dodo

2nd Quarter Batangas Asin Task Force, Ginanap
June 29, 2017
PhP 3 Milyon Ilalaan para sa “Batangas Karamay ng Marawi”
June 30, 2017

June 29, 2017

B’yaheng Taiwan. Isang delegasyon ng Lalawigan ng Batangas ang tumulak sa Taiwan noong ika-22 hanggang 24 ng Hunyo 2017 upang makipag-dayalogo sa mga potensyal na mamumuhunan sa Batangas Province at bumisita sa ilang mga industrial, agro-fishery at port operation sites. Sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, kasama sina Provincial Agriculturist Engr. Pablito Balantac, Technical Adviser for Infrastructure Engr. Arturo Magtibay at mga Chinese investors at partners, nagtungo ang grupo sa capital city ng Taipei at port city ng Kaohsiung. Vince Altar – Batangas Capitol PIO / Photos: Abe Balantac

B’yaheng Taiwan ang isinagawa ng isang delegasyon ng Lalawigan ng Batangas noong ika-22 hanggang 24 ng Hunyo 2017 upang makipag-dayalogo sa mga potensyal na mamumuhunan sa Batangas Province at bumisita sa ilang mga industrial, agro-fishery at port operation sites.

Sa pangunguna ni Batangas Gov. Dodo Mandanas, kasama sina Provincial Agriculturist Engr. Pablito Balantac, Technical Adviser for Infrastructure Engr. Arturo Magtibay at mga Chinese investors at partners, nagtungo ang grupo sa capital city ng Taipei at port city ng Kaohsiung.

Nakipagpulong sila sa mga kinatawan ng Taiwan Academy of Banking and Finance tungkol sa pamumuhunan sa Lalawigan ng Batangas. Nakipagtalakayan din sila sa ilang mga Taiwanese businessmen na may interes magbukas ng mga negosyo sa Pilipinas, partikular sa Batangas.

Bukod dito, nag-ikot ang mga Batangueño officials sa mga agricultural areas na nasa loob ng green houses o controlled environment, ilan dito ay isang ektarya ang sukat, kung saan nagtatanim ng lettuce at iba pang gulay, at ornamental plants tulad ng orchids. Bumisita din sila sa isang 150-hectare aquaculture production business, kung saan nagpaparami at nagpapalaki ng iba’t ibang isda tulad ng tilapia at bangus.

Sa Port of Kaohsiung, bumisita sila sa ship building sites at warehouses.

Hangad ng grupo na makapaghikayat pa ng mga investors na maaaring pumasok sa mga nakakasang proyekto ng pamahalaang panlalawigan tulad ng Food Terminal, road widening, at pagpapalaki ng Batangas Port. Ayon kay Engr. Balantac, ilang Taiwanese aquaculture businessmen ang bibisita sa Batangas Province upang maghanap ng mga posibleng lugar kung saan maaaring magbukas ng negosyo. Vince Altar – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.