299 Batangueño Natulungan ng TUPAD Program

Gov. DoDo, Keynote Speaker sa Liveable Cities Local Lab
March 31, 2021
Pagpapalakas ng Agrikultura sa Lalawigan ng Batangas, Patuloy na Tinututukan ng OPAg sa Gitna ng Pandemya
April 9, 2021

April 9, 2021

299 na mga Batangueño ang naging benipisyaryo ng ipinamahaging dalawang milyong piso na bahagi ng emergency employment assistance sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ng Tanggapan ni Senator Francis “Kiko” Pangilinan.

Nagsimula ang pamamahagi ng nasabing ayuda, sa pamamagitan ng Provincial Assistance for Community Development Office (PACD) noong ika-31 ng Marso, hanggang ika-8 ng Abril 2021.

Naging katuwang ng PACD sa implementasyon ng TUPAD ang mga Public Employment Service Office (PESO) managers ng mga bayan ng Agoncillo, Laurel, Lemery, Mabini, Mataasnakahoy , Nasugbu at San Nicolas, na pumili at kumilala sa mga kababayang nawalan ng hanapbuhay, bunsod ng pandemya, at naging kabahagi ng programa.

Ayon kay Ginang Fredesvinda Mendoza, PACD department head, ang bawat benepisyaryo ay tumulong sa pagpapanatili ng kalinisan sa kanilang barangay. Nagtrabaho sila ng apat na oras kada araw sa loob ng 16 na araw, at makatatanggap ng kanilang suweldo sa pamamagitan ng mga piling branches ng Palawan Express sa nabanggit na mga bayan sa Lalawigan ng Batangas.

Ang bawat isa ay pinagkalooban din ng Personal Protective Equipment (PPE), kabilang ang face mask, face shield, long sleeves at sombrero upang maprotektahan ang sarili sa banta ng COVID-19.

Nagpasalamat naman si Governor DoDo Mandanas sa DOLE at kay Senator Pangilinan sa patuloy na pagpapatupad ng mga proyektong nakatutulong sa mga kababayang tinamaan ang kabuhayan dahil sa umiiral na pandaigdigang krisis medikal.

Shelly Umali / Photos: PACD – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.