268 Kabataang PWDs, Tumanggap ng Developmental Assessment Assistance

Addendum of the Project Procurement Management Plan as of Sep to Oct
November 21, 2022
Mga Bagong Opisyales ng Batangas Tourism, Culture & Arts Councils, Inihalal
November 21, 2022

November 21, 2022

Ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Disability Affairs Office (PDAO), ang developmental assessment assistance sa mga specially-abled na kabataan noong Nobyembre 8-15, 2022.

Nasa 268 na mga benepisyaryo mula sa 20 na bayan at lungsod sa lalawigan ang napagkalooban ng tulong pinansyal ng PDAO, na nasa ilalim ng PSWDO, at nagkakahalaga ng ₱2,500 bawat isa.

Ang developmental assessment assistance ay taunang ipinagkakaloob sa mga kabataang Persons with Disability upang makatulong sa pambayad nila sa doctors’ professional fee para sa medical certificates na kanilang kakailanganin sa pagpasok sa paaralan.

Gian Marco Escamillas, Batangas Capitol PIO / Photo from PDAO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.