2023 Huwarang Pantawid Pamilya sa Batangas Province, Kinilala ng Kapitolyo

Bivalent COVID-19 Vaccination sa Batangas, Ipinagpatuloy
July 15, 2023
Invitation to Bid (August 1, 2023)
July 17, 2023

July 15, 2023

Ginawaran ng pagkilala ang apat na piling mga pamilya mula sa Lalawigan ng Batangas, na mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), sa ginanap na Provincial Search for Huwarang Pantawid Pamilya 2023 noong ika-14 ng Hulyo 2023 sa Batangas Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Conference Hall, Capitol Compound, Batangas City.

Itinanghal bilang 1st Placer at nakakuha ng titulong Huwarang Pantawid Pamilya 2023 ang Pamilya Medrana ng Brgy. San Juan, Lungsod ng Sto. Tomas, Batangas. Pumangalawa naman ang Borbon Family ng Brgy. San Miguel, Lobo, habang nakuha ng Padua Family ng Brgy. Puting Kahoy, Lian, ang ikatlong puwesto, at kinilala bilang 4th Placer and Dimaano Family ng Brgy. Bungahan, Ibaan.

Ang programang Provincial Search for Huwarang Pantawid Pamilya 2023 ay taunang isinasagawa, sa pangunguna ng Department of Social Welfare and Development, katuwang ng Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO). Kabilang ito sa layunin ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ni Gov. DoDo Mandanas, na patuloy na maingat ang buhay ng bawat Batangueño, partikular ang mga nangangailangan ng gabay at pag-alalay.

Sa pagsisikap ng PSWDO, na ngayon ay pinamumunuan na ni Gng. Florita Lachica, kinikilala ang mga natatanging pamilya na mga benepisyaryo ng 4Ps sa lalawigan sa kanilang pagsisikap at paglaban sa hamon ng buhay. Layunin nitong papurihan ang mga mag-anak na nagpapakita ng matibay na pundasyon at positibong pagpapahalaga sa buhay at sa komunidad na kanilang kinabibilangan.

Isinusulong din nito ang family role modelling sa mga pamilyang kabahagi ng 4Ps, at ibayong pagpapatibay ng samahan ng bawat pamilya tungo sa pag-unlad ng kanilang pamumuhay.

Froilan Salcedo / Photos: Francis Milla-Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1

Comments are closed.