1st Regular Meeting ng LMP, Idinaos

2018 1st Quarter Meeting ng BALDRRMO, Isinagawa
February 10, 2018
Notice of Vacant Positions
February 13, 2018

Batangas Mayors’ League. Kasama si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa pagpapalitan ng mga ideya kasama ang mga alkalde mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Lalawigan ng Batangas sa first regular meeting ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Batangas Province para sa 2018 na ginanap sa LMP Bldg., Capitol Site, Batangas City noong ika-9 ng Pebrero 2018. Almira M. Eje / Photo: Macc Ocampo – Batangas Capitol PIO

Dinaluhan ng mga alkalde mula sa iba’t ibang munisipalidad ng Lalawigan ng Batangas ang kauna-unahang regular na pagpupulong ngayong taon ng League of Municipalities of the Philippines (LMP) Batangas Province na ginanap sa LMP Bldg., Capitol Site, Batangas City noong ika-9 ng Pebrero 2018.

Sa pagpupulong na personal na dinaluhan ng dalawampu’t isang alkalde at limang representatives, ibinahagi ni LMP President, San Pascual Mayor Roanna Conti, ang tungkol sa LMP Batangas Chapter Fund Raising Activities at Annual Membership Dues and Bayanihan.

Samantala, tinalakay naman ni Director Manuel Gotis, DILG Region IV-A ang tungkol sa usapin ng droga. Aniya, sana ay palakasin pa ang mga Anti-Drug Abuse Councils sapagkat ito ang kabalikat nila upang makatulong sa kampanya laban sa illegal na droga.

Sinabi naman ni Mr. Ronald Generoso, Chapter Administrator ng Red Cross Batangas, na bukas ang kanilang ahensya sa kung anong tulong ang maaari nilang maiambag. Nagbigay din siya ng kaunting impormasyon tungkol sa pinagmulan ng Red Cross at mga programang kanilang naisagawa na.

Sa huling bahagi, ipinahayag ni Gov. Dodo Mandanas na magagawa na ang mga paglalagay ng mga CCTV cameras mula sa mga munisipyo hanggang sa mga barangay; ang paglalaan ng ambulansya sa bawat barangay; at paglalagay ng Command Center sa bawat munisipalidad. Almira M. Eje – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.