2018 1st Quarter Meeting ng BALDRRMO, Isinagawa

OPERATION HELP a Smile Tagumpay
February 9, 2018
1st Regular Meeting ng LMP, Idinaos
February 10, 2018

Ang Lalawigan ng Batangas, Laging handa. Nakiisa si Batangas Gov. Dodo Mandanas sa 1st Quarter meeting ng Batangas Association of Local Disaster Risk Reduction and Management Officers (BALDRRMO) para sa taong 2018 sa Provincial Planning and Development Office Conference Hall, Capitol Compound, Batangas City noong ika-9 ng Pebrero 2018. Pinangunahan ito ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, sa pangunguna nina Mr. Joselito Castro at BALDRRMO president, Mr. Rodrigo Dela Roca ng Batangas City. Kimzel Joy T. Delen / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Pinangunahan ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Officer Mr. Joselito Castro ang pagpupulong ng Batangas Association of Local Disaster Risk Reduction and Management Officers (BALDRRMO) para sa 1st Quarter ng 2018 noong ika-9 ng Pebrero 2018 sa Provincial Planning and Development Office Conference Hall, Capitol Compound, Batangas City.

Naging paksa sa pagpupulong ang mga naging aktibidad ng OCD Region IV-A; orientation ng Gawad Kalasag; proposed critical projects; presentasyon ng PDRRMO website kung saan dito inilalagay ang mahahalagang impormasyon ng lalawigan pati na rin ang iba’t ibang lungsod at munisipalidad na may kinalaman sa disaster at response; 1st Quarter National Simultaneous Earthquake Drill para sa 2018; Contingency Plan para sa Taal, lindol at hydromet kung saan nakapaloob ang mga pick-up points, evacuation centers, evacuation routes, relief distribution at lokasyon ng stock piles para sa paghahanda ng Lalawigan ng Batangas; at ang tungkol sa Pansipit River.

Samantala, binigyang pagpapahalaga ni Gov. Dodo Mandanas sa kanyang mensahe ang mga gawain ng City at Municipal DRRM Officers sa pagpapanatali ng kaligtasan at pagtugon sa pangangailangan na may kinalaman sa disaster tulad ng lindol at pagbaha. Sinabi rin niya na kinakailangang alamin ang tunay na pangangailangan ng lalawigan at ang sama-samang pagtutulungan ng lokal at panlalawigang pamahalaan.

Ikinatuwa ni Gov. Mandanas ang isinagawang pagpupulog at nagpasalamat sa mga dumalo sa pagbabalangkas nga mga dapat gawin para sa paghahana sa anumang sakuna na maaaring dumating sa Lalawigan ng Batangas.
Dinaluhan ng mga City at Municipal DRRM Officers ang nasabing pagpupulong, kabilang ang Pangulo ng BALDRRMO na si Mr. Rodrigo Dela Roca ng Batangas City. Kasama rin sa pagpupulong ang mga representatives ng Office of the Civil Defense (OCD) Region IV- A na sina Mr. Alex Czar R. Masiglat, Chief ng Planning Section, at Ms. Georgina R. Garcia, Chief ng DRRM Division.  Kimzel Joy T. Delen – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.