“Work-Life Balance Training” para sa Capitol Employees, Isinasagawa ng PHRMO

Financial assistance ng PSWDO sa Kapitolyo, Tuloy-tuloy; Safety Protocols, Mahigpit na Ipinatutupad
September 4, 2020
Notice of Vacant Position
September 7, 2020

September 4, 2020

Patuloy ang mga isinasagawang capability building program o pagsasanay na laan para sa mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas, sa pangunguna ng Provincial Human Resource Management Office.

Ang naturang E-learning sessions, na may titulong “Work-Life Balance Training,” ay naglalayong ipaalala at ituro sa mga empleyado ng Kapitolyo ang kahalagahan ng tamang paglalaan ng oras, kasabay ng pagbibigay prayoridad sa trabaho, pamilya, at sa sarili, upang mabawasan o maiwasan ang “stress” at maging mas epektibo sa trabaho at paglilingkod sa publiko.

Ito ay ikinokonsidera rin na “cost-cutting measure” para mabawasan ang paggastos ng ating pamahalaang panlalawigan sa overtime work.

Sa tamang pagbabalanse ng oras sa pagtatrabaho at personal na buhay, inaasahang magdudulot ito ng wastong time management ng mga kawani.

Kumpara sa tradisyonal na seminar, ang e-learning sessions ay isinasagawa sa pamamagitan ng interaksyon online upang mapanatili ang physical distancing at makaiwas sa banta ng COVID-19 para sa mga partisipante.

Ang nasabing seminar ay isinasagawa ng HR Career Development Division para sa mga permanent employees ng iba’t ibang opisina ng pamahalaang panlalawigan, at pinag-aaralan ding isagawa para sa mga casual employees.

Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.