Underwater Photo Exhibit 2018, Binuksan sa Provincial Tourism Building

Rabbies Vaccine Supply sa Lalawigan Sinugurado
April 5, 2018
Notice of Vacant Positions
April 6, 2018

Yaman at ganda ng karagatan ng Batangas ipinagmamalaki. Pormal na binuksan ang Underwater Photo Exhibit, tampok ang mga larawang kuha ni Mr. Penn De Los Santos, Scuba Diving Instructor at Underwater Photographer, nagpapakita sa ganda at yamang sa ilalim ng karagatan ng Lalawigan ng Batangas. Naging panauhin sa exhibit opening sina Deputy Speaker at Batangas Congressman Raneo Abu; Mr. Luis Awitan, PG-ENRO Department Head; Batangas Tourism Council President Mr. Sonny Lozano; Lions Club President Alex Beredo; Mr. Alex Yap; at Rotary Club of Batangas Great President Eloisa Portugal. Magtatagal ang exhibit hanggang katapusan ng Abril 2018 sa PTCAO Building, Capitol Compound, Batangas City. Almira M. Eje / Photo: Eric Arellano – Batangas Capitol PIO

Upang magbigay ng kaalaman para mapangalagaan ang kalikasan at ipakita kung gaano kayaman ang Batangas, isang Underwater Photo Exhibit na magtatagal hanggang katapusan ng Abril 2018 ang magkabalikat na idinaos ng Provincial Tourism and Cultural Affairs Office (PTCAO) at Batangas Scuba Academy katulong ang Lions Club at Rotary Club noong ika-5 ng Abril 2018 sa PTCAO Building, Capitol Compound, Batangas City.

Sa mga larawang kuha ni Mr. Penn De Los Santos, Scuba Diving Instructor at Underwater Photographer, ipinapakita nito ang ganda at yamang matatagpuan lamang sa pusod ng karagatan ng Lalawigan ng Batangas. Aniya, magandang pagtuunan ng pansin ang Macro Photography sapagkat sa pamamagitan nito nakikita ng malapitan ang mga maliliit na subject sa iba’t ibang anggulo at upang mabigyan ng halaga ang mga nilalang na ito. Karamihan sa mga litrato ay nakuhanan sa iba’t ibang karagatan sa Batangas, Isla Verde,Ilijan at Pagkilatan.

Ang nasabing exhibit ay sinuportahan ni Deputy Speaker at Batangas Congressman Raneo Abu; Mr. Luis Awitan, PG-ENRO Department Head; Batangas Tourism Council President Mr. Sonny Lozano; Lions Club President Alex Beredo; Mr. Alex Yap; at Rotary Club of Batangas Great President Eloisa Portugal.

Ayon pa kay Mr. De Los Santos malaki ang potensyal na maging karagdagang diving site ang mga lugar na ito sa lalawigan tulad ng ganda ng diving site ng Mabini na maaaring ipagmalaki sa buong mundo kung kaya’t marapat lamang na magkaroon ng kamalayan ang mamamayang Batangueño sa tamang pangangalaga ng inang kalikasan partikular ang karagatan ng ating lalawigan. Almira M. Eje and – Batangas Capitol PIO

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry

Comments are closed.